Chapter 6: GE;GE√ Andreaustitute (Black Superior)

2.7K 106 7
                                    

Authors note:

Hindi po ako PERFECT para magkaroon ng PERFECT na story.....

Kaya kung may mga MALI-MALI man po, please correct me not humiliate me... understood? Bagohan lang po ako at hindi PROPESYONAL.. ( -__-")

Wala naman pong nag-cocoment ng masama tungkol sa story ko pero inunahan ko na kayo..hehehe. ADVANCE AKO MAG-ISIP EH!

Enjoy the update!!!

Chapter 6: GE;GE√ ANDREAUSTITUTE.. (BLACK SUPERIOR)

CLAIRA'S POV

MAAGA akong nagising kaya maaga rin akong papasok sa school ngayon. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Ewan ko ba! Simula nang malaman ko ang kakaibang sistema ng paaralan na iyon,mas ginanahan akong pumasok araw araw. Para mang nakakabaliw pero parang may pwersa sa aking nagsasabi na mas may malalim na dahilan kung bakit ganun ang patakaran ng paaralang iyon. Hindi normal.

Pagpasok ko di tulad ng kahapon, may mga estudyante nang naglalakad dito. As usual, nakapang civilian outfit pa rin ako. Pero kung makatingin naman tong mga taong to kala mo tinubuan ako ng apat na ulo!

Haist!! Ba'la nga sila diyan. May mga tinging parang hinihimay na ang pagkatao ko, pamatay na tingin, inggit, galit, takot at higit sa lahat pagdududa. I tss-ed. Mga walang alam.

MATTHEW'S POV

I was walking slowly on Ms. Fierce's behind to watch her every move. Yesterday was cool. She has guts and confidence.

I know that there's really something about her. And I'm dying to know what it is.

Naglalakad lang ako sa likuran niya. Sinusundan siya. Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Tanongin niyo ang bipolar kong pinsan. Nakakainis! Pero okay lang, nag-eenjoy naman ako. Ang alam ng karamihan eh ako si Math, the Mr. Too-goody-goody. Wala sa sarili akong napangisi! Ang hindi nila alam ay malupet din ako sa chickz! Si Kyle at Cairo lang naman ang mga seryoso sa buhay eh.

Sa aming magkakaibigan ay si Louis ang nakakasundo ko kapag wala si insan. Isa rin kasi yung tuleleng.

"Kyaaaaaahhhhhh!!!!!! Quecelyn! Tingnan mo si Math oh! Ang waffuuuu!!!!"

"Oo nga Nicole! Bakit ba may mga ganyang klaseng mukha!!! Pano ba gumawa niyan?!""

"Gaga! Walang katulad yan ano ba!"

"Eh ang gwapo talaga niya Argeline eh! Eugenie!!! Diba crush mo yang si Math!!!""

"Oo!! Pero dati yun! Kay papa Cairo na'ko!hahahahaha""

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulungan o kung bulong pa bang matatawag yan. Inis akong napakamot sa may bandang tenga ko dahil sa lakas ng tilian nila. Buti nalang at hindi pinapansin ni Ms. Fierce ang bulungan sa paligid. Baka mabuking pa ako.

Pero wengya! Pati ang inosenteng si Cairo nadamay! May nagkakagusto rin pala sa bugok na yun! Lihim akong napahagikhik.

Sinusundan pa rin ako ng tingin ng mga babae kaya pasimple ko silang kinikindatan. Impit naman silang tumitili. I tsked. Girls and their hearts.

Pero kahit na pasimple akong lumalandi ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko Kay Ms. Fierce.

May patago-tago pa ako sa kumpulan ng mga tao baka sakaling lumingon siya ngunit para talaga siyang walang pakialam sa paligid niya. May iba rin namang tumitingin sa kanya dahil sa angking angas at kawalan ng emosyon na pinapakita niya but it looks like she doesn't give a damn interest at all.

Gangster Empress:Gangster Evolution (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now