Chapter 14:GE;GE√Side By Side

1.7K 67 0
                                    


Chapter 14:GE;GE√ Side By Side

CLAIRA'S POV

I CAME HOME safe and sound. Ipinark ko agad ang kotse sa may gilid ng apartment ko kung saan may maliit na garahe sakto lang para sa kotseng pinadala ni Mommy.

Pagbukas ko ng front door ay agad akong dumiretso sa isang couch. Humilata ako saglit at inerelax ang sarili. I can't stand in that school seriously. Kung may diary lang ako, three to four pages na ang maisusulat ko sa dami ng nangyayari sakin araw-araw. Nga lang, di ako mahilig magsulat. Katamad kaya.

Ilang ulit pa akong bumuntong hininga atsaka nagpasyang pumunta na sa kwarto. My apartment is only good for two to three people. Actually, crowded na nga yung three para sakin. Di naman siya maliit, nasanay lang siguro ako sa laki ng kwarto ko sa bawat mansion namin. It is actually a two-storey apartment. May tatlong kwarto sa taas. Yung pinakamalaki ay ang kwarto ko habang yung isa ay guestroom. Yung isa naman ay nakakandado. Dun ko inilalagay ang mga importanteng gamit na meron ako.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad bumungad sakin ang laptop kong may warning na dahil five percent nalang ang battery. Nalimutan ko nga palang patayin to. Tsk.

I snatched it from my bed and charged it immediately. After that, I decided to take a bath to freshen up and chose a comfortable clothes. Since nandito lang naman ako sa bahay at ako lang mag-isa, kahit nga di na magdamit ay pwede na. Pumili ako ng isang puting shorts na four inches above the knee. Di naman siya malaswang tingnan. At isang black t- shirt na may print ng Batman.

Pinapatuyo ko pa ang buhok ko ng makaramdam ako ng gutom. Tsk. Nakalimutan kong kumain. Ano nga bang meron sa ref ko? Tinatamad akong tumayo at nagpunta sa kusina.

Nakakunot noo kong binuksan ang ref at naghanap ng magugustuhan. I twitch my lips habang naghahanap. Maraming pagkain pero hindi iyon ang gusto ng taste buds ko ngayon. Kung mag-fast food nalang kaya ako?
Tama!

Agad kong kinuha yung gray na hoodie ko atsaka sinuot. Diko na inabalang magmaneho at naglakad na lang. Nasa sentro naman tong apartment ko.

Palinga-linga pa ako sa paligid habang naglalakad. Nadaanan ko rin yung parke malapit sa apartment ko. I glance at my wristwatch and it says seven in the evening. Malamig ang haplos ng hangin sa mga binti ko.

Bakit ba naman kasi nag-shorts pa'ko?

I shivered and put my both hands in the front pocket of my hoodie. Napasinghal ako sa iritasyon. Ba't pa kasi ako nag-inarte at ginustong kumain sa labas. Napapala ng di nakokuntento.

I sigh. Roam again my eyes. Nandito ako sa may sidewalk. Ang alam ko may short cut dito, e. I heard the busy street in my side. Saw yellow-ish lights across the night. Nang mapadaan ako sa isang iskinita ay tuluyan akong napahinto.

Is it just me or may anino talaga akong nakita sa peripherals ko? But that doesn't matter. Ito yung short cut! Siguro namamalik-mata lang ako. Nangyayari naman talaga yun diba?

Well anyways, I decided na dito na lang dumaan. I know it will make things easier. Wondering who gave me info about this short cut? I have a 50 perimeter radius blueprint around my apartment. Sakop pa sa blueprint na hawak ko ang short cut na ito kaya alam ko ang pasikot-sikot. And I requested it personally sa mga tauhan sa mansion to give me information to my whereabouts. Safety precautionary measurements first.

Lumiko na ako sa sinasabi kong short cut at agad nawala sa pandinig ko ang abalang kalsada.

Binaybay ko lang ang medyo masikip na daan nito and I know, any minute by now malapit na ako sa sentro. Wait me Spaghetti!

Gangster Empress:Gangster Evolution (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now