Chapter 15: GE;GE√ ALAS

1.7K 58 0
                                    

Chapter 15:GE;GE√ ALAS

CLAIRA'S POV



"SAMIN KA MUNA tumingin Miss Byutipol! Mamaya ka na diyan sa boypren mo! Atsaka huwag kang mag-alala... yakap ka lang sa'kin mamaya kapag napatay na namin siya." Ani Goyong na naglalakad ng mabagal kasama si Tibod. Hays! Siyam-siyam na naman ang aabutin bago sila makarating sa'kin.

Nakita ko ang ilan sa mga sanggano kasama ang lider nila na papunta sa direksyon ng bakla! Shit! Dapat di ako umalis sa pwesto ko kanina. Paano kung magsusumigaw yan dahil sa takot?!

Nang akmang pupunta na ako sa kanya ay humarang sa daraanan ko si Tibod. "Aba... bumibilis na ang lakad niyo ah!" Pang-aasar ko. Pero manhid ang impakto at ngumisi rin sa'kin.

Inirapan ko siya at sisipain sana pero nahuli niya ang paa ko. Ngingisi-ngisi siyang nagyayabang sa'kin. Tss. Bagot akong napabuntong hininga at tsaka itinuon ang buong lakas sa kamay niyang nakahawak sa paa ko atsaka paikot na sinipa ang mukha niya gamit ang isang pang paa ko.

Bagsak. Agad kong naitukon ang kamay ko sa lupa habang naka-squat. Pag-angat ko ng tingin ay gigil na sumugod sakin si Goyong.

"Ikaw babae ka!" Sigaw niya tsaka ako inundayan ng suntok! Agad kong inilagan yun.

Alangan namang lalaki ako? Muntanga lang?

Hinuli ko yung kamay niya at tinwist.
Napasigaw naman siya sa sakit. I stomach him and punch his face straightly while still holding his hand. He groaned again in pain.

Agad ko siyang itinulak at pupunta na sana sa bakla ng humarang muli si Tibod.

Aba... at may gana ka pa talagang harapin ako ha?

"At san ka pupunta?" Nakangising aniya habang iniinda ang malaking pamamaga sa mukha niyang sinipa ko kanina.

Oops! Napalakas ko yata?

Sinamaan ko siya ng tingin habang nakatagilid ang ulo ko. Maangas ko siyang tiningnan at natitigilan siyang nakatingin din sakin. Dahan dahan pa siyang napapaatras pero hindi ko na hinayaang makalayo pa siya.

Ngayon mo makikita ang hinahanap mong bwisit ka!

Inisang hakbang ko ang pagitan namin at agad siyang sinipa sa tiyan. Napaarko ang katawan niya at inangilan niya pa ako. Pero hindi ko siya tinigilan. Lumapit ulit ako sa kanya at mabilis na sinuntok sa mukha ng dalawang beses sa pagitan lang ng isang segundo gamit ang iisang kamay.

Napangiwi ako nang sumadsad sa semento ang paa ko. Pero hindi ko na yun pinansin. Nakita ko ang paglipad ng dalawang ngipin niya papunta sa sahig. Hindi ko maiwasang mapangisi. Napasobra na naman ang lakas na pinakawalan ko. Agad umagos ang dugo mula sa natanggal niyang ngipin at mula rin sa ilong niya. Nagsisigaw naman si Tibod nang marealize niya ang nangyari.

Agad kong binalingan si Goyong pero nanginginig na ito habang nakatingin sakin. Inirapan ko sila at pinuntahan si bakla.

Pero ako naman ang natigilan ng makita ko ang pangyayari.

Eksperto niyang pinagpapalo ang ulo, likod, paa, kamay, braso at tiyan ng mga sangganong sumusugod sa kanya. Nakita ko pang sinipa niya ng buong pwersa ang isang sanggano na nasa kanan niya at itinuon uli ang buong lakas niya doon bago palipad na lumipat sa kaliwa at pinalo sa ulo ang isa pang sanggano gamit ang baseball bat na malamang ay kinuha niya mula sa kanila.

Ang ilan ay nakahandusay na sa sahig at hindi na gumagalaw samantalang may mga dumadaing pa.

A-akala ko ba bakla siya? Bakit p-parang hindi naman?

Gangster Empress:Gangster Evolution (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now