Chapter 2.2

543 13 2
                                    

AFTER attending the groundbreaking ceremony, ay tumuloy naman siya restaurant na pagmamay-ari ni Margaux Sy-Chan. Asawa ni Jazon Chan na pinsan ng best friend niyang si Juanczo. It's a Chinese restaurant that serves authentic Chinese foods. Ang 里面有好食物 (Good Food Is Inside). Hindi lang sa Pinas ito kilala kundi maging sa buong Asya. Ilang beses na rin na-feature ang restaurant na ito sa mga sikat na TV shows sa ibang bansa.

It's lunch time at kasama niyang manananghalian ang kanyang pamangkin at ang naglilihi niyang kambal sa pangalawa nitong anak sa asawang si Ivan Chan. Zitty is craving for Chinese foods daw at mukhang kasama pa siya sa napaglilihian nito dahil gustong-gusto daw nitong makita siyang kumakain habang naka-chopsticks. What the heck right! Kakaiba talaga ang paglilihi ng mga buntis.

Buti na lamang at ilang minuto pa lang siyang late sa usapang oras nila ng kambal kaya naman maaliwalas pa ang awra nito nang maabutan niyang umoorder na.

"What took you so long?" Mataray na salubong sa kanya ni Zitty sabay halik sa kanyang pisngi. Bahagya pa itong sumimangot nang maamoy siya. "Hindi ba sinabi ko na sa'yong ayoko ng perfume mo?" Iritadong saad pa nito sa kanya habang maarteng tinatakpan ang ilong na hindi nahihiyang ipakita sa kanya na hindi kaaya-aya para sa pang-amoy nito ang gamit niyang pabango.

Arte!

Pero siyempre hinding-hindi niya i-v-voice out yun kung ayaw niyang magkaroon ng giyera sa loob ng restaurant ngayon.

"My bad. I had lots of commitments today kaya nawala na sa isip ko na ayaw mo nga pala sa amoy ng mamahalin kong pabango." May bahid pang-aasar sa kanyang tono.

He then give Zitty's husband a man to man hug before approaching his nephew who's busy with his new toy. Isang bagong libro na naman. May pagka-genius kasi ang kanyang pamangkin kaya naman mahilig magbabasa.

"Zup, geek." Bati niya kay Zeck na nag-angat ng tingin at ngumiti suot ang salamin sa mata na lalong nagbigay hustisya sa pagiging genius nito.

"Hi, Dadi K. How's office?" Zeck asked like a mature man talking.

"Boring, ano pa nga ba." Sagot niya at umupo na sa tabi nito. Bahagya niyang sinilip ang binabasa ni Zeck at napag-alaman niyang Law book iyon. Napangiti na lang siya. Mukhang seryoso ito na maging isang abogado. Yun kasi ang madalas nitong sinasabi sa kanila noon pa man kahit pa nga ba sabihing seven years old pa lang ito ngayon, ay alam na nito at sigurado na sa gustong maging paglaki.

"Tuloy ba ang interview mo mamaya?" Ivan asked.

"Unfortunately." Tamad niyang sagot kasabay ng pagbuntung-hininga sabay kuha na rin sa menu.

"Don't mind ordering, Kuya. But I ordered a lot already. We will eat the same food anyway." His sister.

Nagkatinginan na lang sila ni Ivan. Parusa talaga sa kanya everytime na maglilihi si Zitty sapagkat kasama siya lagi sa nagpaglilihian nito.

Tsss. Women and their weirdness! That's why he doesn't involve himself into a relationship. Ayaw niya ng hassle. Ilang beses na siyang maka-encounter ng mga babaeng demanding at isa 'yon sa pinaka-ayaw niya sa lahat. Wala siyang pakialam kahit nasa dulo na ng bilang sa kalendaryo ang kanyang edad. Tama na muna ang responsibilidad niya sa kaniyang mga negosyo. Isa pa, masarap maging single, right? Hindi niya kailangan ng babaeng palaging magdedemand ng kanyang oras at atensiyon sapagkat sa negosyo pa lang ay hindi na niya alam kung paano hahatiin ang kanyang oras.

DKRCS: The PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon