Chapter 6

241 11 1
                                    

It's another gloomy day for Izzabella Marie. Wala siyang ginawa kundi magmukmok sa kanyang kwarto. Hindi naman niya maaaring abalahin ang mga kaibigan sapagkat may kanya-kanyang trabaho ang tatlo ngayon. Her grandparents didn't let her to work in their company yet. Magpahinga na daw muna siya.

She tried entertaining herself watching TV but the news about his father makes her feeling even heavier. So she chose to just turned it off. Ayaw na rin muna niya magbukas ng social media sapagkat halos tungkol sa ama lang niya ang laman ng news feed. Kaya sa huli ay nagpasya na lamang siyang magmuni-muni sa lanai. And then that blue-eyed president of Dark Knights Riding Club suddenly invaded her thoughts.

Kahapon ay nakatanggap siya ng tawag mula sa secretary nito na pinapapunta siya sa office ng lalaki upang pumirma ng ilang papeles. It's not that urgent so she decided to go when she's on the mood to do so.

Saka parang hindi pa kaya ng sistema niyang makita ulit ang lalaki. Ewan ba niya at kakaiba ang tibok ng kanyang puso sa tuwing makikita ang kulay dagat nitong mga mata. At kahit itanggi niya sa sarili, may iba talaga sa pagtitig ng binata sa kanya. Which making her uncomfortable but in a good way. Is that even possible?

"Good morning, Ma'am Izzabella. May sulat po na dumating from office of the President." Her grandparents personal assistant interrupted her thoughts.

Her forehead creased.

"Office of the President?" Taka niyang ulit.

"Yes, Ma'am. From Malacañang Palace po."

Ano ang kailangan sa kanya ng presidente ng Pilipinas? The assistant handed her the letter which she immediately opened and read. Nakasaad doon na iniimbitahan siya sa presidente para sa isang importanteng pakikipag-usap. Ipapasundo daw siya nito sa mga presidential security guards kung sakaling papayag siyang makipag-usap.

"Tell them I'll go after lunch." She said after reading the letter.

Magalang na nagpaalam ang assistant at sinabing tatawag sa palasyo upang ipaalam ang kanyang pasya. Tutal ay wala naman siyang gagawin maghapon.

"Sigurado ka ba, apo? You can decline the invitation if you're not comfortable." Hayag ng Lola niya matapos niyang magpaalam na pupunta sa Malacañang.

She nodded and smiled. "Wala naman ho akong nakikitang masama kung makikipag-usap ako sa president. Mabait naman po siya, hindi ba?"

"Oo naman, hija. Kaibigan ng mga Sarmiento ang mga Punzalan noon pa man. Kaya nga napilitan kaming ipagkasundo ang Mamá mo noon sa isang Gonzalez dahil gusto sana naming matapos na ang alitan ng mga kaibigan namin sa pulitika. But you see, we failed. Pero, apo.. hindi naman namin pinagsisihan iyon dahil nagkaroon kami ng apong katulad mo. God let that happen para makapagsilang ang iyong Mamá ng isang anghel na kagaya mo." Her Lolo replied to her.

Nangilid ang kanyang mga luha. Napakapalad niya sapagkat binigyan siya ng Lolo at Lola na napakamaunawain.

"You're going to Malacañang, ate?" Her sister, probably overheard their conversation.

Pumihit siya mula sa kinauupuan. "Yeah. The President wanted a talk with me. You want to come?"

May hinala siyang tungkol sa ama nila ang magiging paksa ng kanilang magiging pag-uusap kaya naman nais niyang marinig din sana iyon ng kanyang kapatid.

"I'll.. I'll stay na lang siguro. Medyo nahihilo din kasi ako." Tila nahihiyang tugon nito which she understands naman. Medyo hirap din talaga kasi ang pagbubuntis ng kapatid niya.

After lunch, ay handang-handa na sa pag-alis si Izzabella. Her grandparents' told her na chopper ang gagamiting pagsundo sa kanya para mas mabilis ang byahe. Her family has a helipad at the back of their house which she conclude na alam ng presidente dahil kaibigan nga nito ang mga Sarmiento.

DKRCS: The PresidentWhere stories live. Discover now