Chapter 7

154 7 0
                                    

Izzabella nervously walked as she entered. The blue-eyed man is sitting comfortably on their couch looking like a Greek god fallen straight from Mount Olympus. She cleared her throat. Then, she met his beautiful ocean eyes.

"Good afternoon, Miss Izzabella." The man greeted as he stood up from his seat. Klyde plastered his sweetest smile to the lady who is looking confused but very beautiful as always.

"W-what brought you here, Mr. Klatten?" Halos mautal na wika ng dalaga.

"Uhm.. I was in the area so.. I thought of bringing here the papers that needs your sign."

"Pero mag-gagabi na. Ipinagpabukas mo na lang sana." She replied while gesturing the man to go back to sit.

"Nakipag-meeting daw siya kay Mayor Alissa kanina, apo kaya naisipan na rin niyang dumaan dito." Singit ng Lola ni Izzabella. May hawak itong black envelope. "Napirmahan na namin ng asawa ko. Pasensiya ka na at hindi ka na niya mahaharap. Dinale na naman ng rayuma, e." Baling nito sa bisita nila sabay abot ng hawak.

Her forehead creased thinking what was that envelope all about. Lumapit siya sa abuela at binati ito. Or maybe that's the papers she needed to sign.

"How's Lolo?" She kissed the cheek of her grandma.

"He's fine. Napainom ko na ng gamot, apo. Siyanga pala, kamusta ang meeting mo sa Presidente?"

Napatingin siya kay Klyde na matamang nakikinig sa kanila. Hindi niya tuloy alam kung tama bang sagutin niya ang tanong ng kanyang Lola sapagkat may nakakarinig. It's a private matter.

"Later, 'la." Maiksi niyang sagot. Mabilis namang nakaunawa ng matanda na tumango-tango na lang. Umupo ang mag-lola sa katapat na sofa ng binata.

"Mylyn! Mylyn? Pumarine ka nga sandali. Pakikuha mo muna tuloy yung ipinagawa kong tsaa kila Isel." Utos ng matanda. Maya-maya nga ay sumulpot na si Mylyn hawak ang tray na may mga tasa ng tsaa.

"Ere na ho, Ma'am."

Nagpasalamat ang matanda saka nagsabing mauuna na ring magpahinga sa kanila. Gusto niyang tumutol sapagkat iisa lang ang ibig sabihin noon. She will be the only one who will entertain this blue-eyed man. Hindi rin niya gusto ang ideyang maiiwan silang dalawa ng binata lalo na at mula sa kanyang pwesto ay amoy na amoy niya ang pamilyar nitong pabango. At isa pa, iba ang paghuhurumentado ng kanyang dibdib. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa kinakabahan siya o ano. Basta sobrang bilis ng tibok ng puso niya sa tuwing kasama niya ito.

Kapwa na sila nakaupo ngayon sa magkaharap na one seater sofa. Inilapag ng lalaki sa tabi nito ang envelope na galing sa kanyang lola.

"Yaan na ba ang pipirmahan ko?" Hindi niya mapigilang tanong. Nakatingin siya sa envelope.

"Oh. Ah.. I almost forgot." Muli nitong kinuha ang naturang envelope saka binuksan. May inilabas itong mga papel mula doon. Sinipat-sipat saka iniabot sa kanya ang iilan na may kasama na ring ballpen. "Here. These papers needs your sign para mai-finalize na namin ang contract."

Inabot niya mula rito ang mga pipirmahan daw niya saka binasa ng maigi. Pinabayaan ng binata na busisiin muna ni Izzabella ang mga papeles. Hindi ito kumibo hangga't hindi pumipirma ang dalaga. Nakahinga na lang siya ng maluwag nang makitang pumipirma na ito.

"Uh.. we will be having a welcome party for the new investors and partners in business in one of my private yacht. I hope you could come.. with your grandparents?" Klyde invited her after giving back the papers.

Pinangunutan naman siya noo dahil sa imbitasyon na iyon.

"I am just a ghost partner so I don't think that my presence will be needed there." Pagtanggi niya.

"Indeed. But still, you're one of our business partners now. So.. I hope you'll think about it."

"If I go there, your friends will see me. Ano na lang magiging reaksiyon ng mga Vergara if they will see a Gonzalez at your party? Para saan pa at isisekreto natin ang pakikipag-transaksiyon mo sa amin kung papadaluhin mo rin pala ako..kami sa mga pagtitipong ganyan?" Walang gatol niyang bulalas ng nasa saloobin.

"Don't worry. Ah, the Vergara's won't be there. My friend Juanczo is kinda busy so you are free to go." Salag naman ng binata.

"And what about the other guests na makakakita sa amin?"

Natahimik si Kylde.

"See? Look, Mr. Klatten--

"Call me Klyde, meine liebe."

Bahagya siyang natigilan. Meine liebe is a German word for my love. Alam niya dahil minsan na niya iyong nabasa sa isang libro.

"Ayoko ng gulo, K-klyde. My family is in the middle of a chaos right now. At ayoko ng dagdagan pa ang issue ng pamilya ko. Sorry. I have to decline the invite." Muli niyang pagtanggi.

She saw disappointment in his blue eyes.

Si Klyde ay desididong mapapunta ang dalaga sa pagtitipon kaya mabilis siyang umisip ng paraan. "If I change the theme of the party into a masquerade, would you consider coming?"

Umawang ang bibig ng dalaga. Hindi makapaniwala sa narinig. She got the idea. Dahil kapag nga naman may suot siyang maskara ay walang makakakilala sa kanya. But she still thinks that his idea is absurd. She shook her head and chuckled with a little bit hint of sarcasm. Why is this man so eager to invite her?

"I'm serious, meine liebe. Don't laugh at me like that."

Her heartbeat skip a little when she heard that word again. Why is he calling me that way?

"S-sorry. I just can't believe that we're having a conversation like this. Na para bang matagal na tayong magkakilala. And would you please stop calling me that." She said frankly.

"Calling you what?" Klyde innocently asked. Nagniningning ang mga mata nito sa aliw.

"Meine liebe." Nagtitimpi niyang sagot.

"Oh. I see. Meine liebe." Klyde repeated while looking at her.

Namula ang dalaga sa paraan ng pagkakasabi ng binata.

"You know what. It's getting dark so I think you should go. I'm not being rude but I still have things to do." Pagtataboy na niya sa bisita. Hindi na kasi niya kinakaya ang mga titig nito at ang nakakailang nitong presensiya.

The man chuckled looking amused by her reaction like he enjoyed teasing her.

"Now you want me to leave."

"Because I didn't get it why a guy like you with high reputation in society would waste his time inviting the daughter of his best friend's enemy!" Hindi na niya napigilan ang pag-alsa ng boses.

"I like you."

"What?"

"You heard me, meine liebe. I think that's the reason why am I so persistent with you."

Tila siya pinangapusan ng hininga sa naging rebelasyon ng binata. And her heart beat doubled when he stood up from his seat and sit right next to her.
Naaalarma siyang luminga sa paligid. Mabuti at silang dalawa lamang ang nandoon. Hirap niyang muling itinuon ang pansin kay Klyde na ngayon ay prente nang nakaupo sa kanyang tabi.

"Y-you're kidding, right?" She said and laughed awkwardly.

"I'm serious. I wanna date you, meine liebe."

A/N
Very straightforward din pala si Mr. President. Mabilisan din manligaw like his best friend.

DKRCS: The PresidentDove le storie prendono vita. Scoprilo ora