Chapter 4

614 17 0
                                    

"COINCIDENCE"

MK's

Masayang-masaya ang pamangkin niyang si Zeck dahil sa wakas nakarating din ito sa Hacienda Vergara. Matagal na kasi nitong inuungot sa mga magulang nito na gusto rin nitong makarating sa Dingalan, Aurora kung saan kasalukuyang alkalde ang Ninong Juanczo nito. Madalas din niya kasing maikwento sa pamangkin kung gaano kaganda ang lugar at ang rancho ng mga Vergara na maraming alagang kabayo.

"Dadi K said we're going to see Ninong Juaczo's stallion! Yey! I'm so excited!" Boses iyon ni Zeck habang kausap ama nitong si Ivan.

Nagkatinginan sila ng asawa ng kanyang kapatid at halos sabay pang nagkibit-balikat sa sobrang excited ng anak nito. Ngayon ang ika-walong kaarawan ni Zeck at katatapos lang ng simpleng handaan nila. Asikasong-asikaso silang ng mabait na ina ni Juanczo na si Monique Herrera-Vergara.

"Makikita mo din do'n si Matte." Nakangiting baling ni Ivan sa anak.

"Really?" Mas lalong na-excite ang kanyang pamangkin. 

"Yup." Masayang tugon dito ni Ivan na salitan pang itinataas ang mga kilay. Sa pictures at videos pa lang kasi nakikita ni Zeck si Matte.

Ang tinutukoy ni Ivan na Matte ay ang kabayo ng pinsan nitong si Jazon Chan. They are first cousins on their father side. Si Juanczo naman ay first cousin din si Jazon sa mother side naman. Kakambal ni Monique si Monica Herrera-Chan. Kaya hindi na rin iba ang kanyang bayaw sa pamilya ng kaniyang matalik na kaibigan.

"How's your pregnancy, hija? Hindi ka ba pinapahirapan ng pangalawa mo?" Narinig niyang tanong ni Monique sa kanyang kapatid.

"Sa ngayon po, okay naman na. Yung first ko lang po, Tita. Dun ako nahirapan talaga." Sagot naman ni Zitty.

Nagkatinginan ulit sila ni Ivan at parehong naiiling na natatawa.

"Kami dapat ang tinatanong mo, Tita. Kung hindi ba kami nahihirapan sa pagbubuntis ng kapatid kong 'yan." Parang bata siyang gustong magsumbong sa ginang.

"Oh. Why naman?" Natatawa nitong tanong.

"Don't mind my brother, Tita Monique. OA lang talaga 'yan kaya ganyan." Nakairap sa kanya na sabi ni Zitty.

"Huh! At ako pa talaga ang OA sa lagay na 'yon?" He exclaimed. "Kung 'di lang talaga kita kapatid ay hinding-hindi kita tutulungan diyan sa paglilihi mo eh." Ganti niya.

"Exactly. Magkapatid tayo. Love mo ko di'ba, Kuya." Sabay papungay at pa-cute nito. "Love din kita kaya tine-training na kita kung sakali." Zitty added.

His forehead creased.

"Training?" Inosente niyang tanong dito. Di niya kasi ma-gets paanong napunta sa training ang usapan nila sa paglilihi nito.

Natawa naman ang kanyang kapatid dahil hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin.

"Training. On how to handle a situations like this. Para kapag nag-asawa ka na alam mo na ang dapat gagawin mo."

"What the fu--!" Napatigil siya ng maalala na kasama nga pala nila ang pamangkin kaya bawal ang bad words. "Matatagalan pa 'yon, for sure." Sabi na lang niya.

DKRCS: The PresidentWhere stories live. Discover now