Chapter 8

217 3 0
                                    

"Izzabella, apo. Mamayang alas tres pa daw ang libreng oras ni Carmi. May tinatapos pa daw kasi siyang mga tahiin kaya hindi siya makakapunta ngayong umaga. Ayos lang ba sa'yo?" Tinig ni Hilda na siyang umagaw ng atensiyon ni Izzabella mula sa binabasang libro. Ang tinutukoy nito ay ang stylist ng kanilang pamilya. Si Carmi ay kilalang designer sa bayan ng Gapan. May ilang celebrity din itong kliyente.

"It's alright, 'la. Mabuti na rin po para masamahan ko si Lorraine sa check up niya." At sa isip-isip pa ng dalaga mas mabuti rin kung hindi na matutuloy ang party. Wala talaga siyang ganang magpunta roon.

"Tumawag nga pala ang sekretarya ni Klyde. Sinabing casual lang ang theme ng party."

She gasped. So hindi rin binago ang theme katulad ng sinabi ng magaling na lalaki. Mas lalo tuloy siyang nawalan ng ganang pumunta.

Nangunot ang noo ni Hilda dahil sa nabanaag na anyo ng dalagang apo.

"Ba't ganyan ang mukha mo?" The old woman asked.

"Mr. Klatten said he would change the theme of the party to a masquerade one. P-para hindi ako makilala ng mga tao doon." Pag-amin niya ng saloobin.

Biglang naging mataray ang ekspresyon ni Hilda mula sa pagiging malumanay na siyang kinaaayawang makita ni Izzabella. Malambing si Hilda most of the time pero nakakatakot na ito kapag ganito na ang itsura. Humigpit ang hawak niya sa libro matapos itong isara.

"Hindi ka naman kabit to hide yourself from them, apo.. na para bang takot kang makilala ng legitimate family ng lalaki. At lalung-lalong hindi ka kriminal. Hindi ka rin naman masamang tao. Wala kang masamang ginawa sa mga taong pupunta roon sa party. Ang ama mo lang ang nagka-atraso sa mga tao. Hindi ikaw. Kaya bakit ka mahihiyang pumunta roon?" Tuloy-tuloy na litanya ni Hilda sa apo.

"It's not that nahihiya ako, 'la. It's just that.. I don't think that my presence is needed in there. At isa pa, umiiwas lang ako sa mga possibilities na baka lalo lang makadagdag sa eskandalong ginawa ni D-dad." At umiiwas din siyang makita ulit si Klyde. Hindi niya pa ito kayang harapin matapos nitong guluhin ang kanyang sistema at gawing abnormal ang heartbeat niya.

Her lola caressed her soft pinky cheeks. Balik na naman sa pagiging malambing. Nagyuko siya ng ulo dahil ito na naman ang kanyang kung makatitig at sinusubukang basahin ang kanyang totoong saloobin sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

"Jaime, your father, is another issue. At isa pa, mga businessmen and women ang dadalo na ang iba ay kakilala na natin. Kaibigan pa nga. Mga propesyonal na mga tao na hindi basta-basta gumagawa ng eskandalo. So you don't need to worry, my Bella. At kung makakagaan pa ng loob mo, sasama ang Tita Glenda mo para may pangsabak tayo sa giyera kung sakali."

Hindi niya mapigilang matawa sa birong iyon. Her Tita Glenda was branded as the primadona ng pamilya at tagapagtanggol din nila at the same time. Pinsang-buo ito ng Mommy niya. Her favorite aunt.

"Hindi ko pa pala nasabi sayo na siya ang magiging representative mo kapag kailangan ng physical presence ng isang Sarmiento sa bagong investment na papasukin natin. The contract is under your name but of course you don't have to show yourself ayon na rin sa napag-usapan namin ni Klyde." Napatango-tango siya. "At kahit ayaw mo sa ganitong set up na ginawa namin para sa'yo, kailangan mo pa rin umattend sa party na iyon. To know your partners in business, at least. Para lang may idea ka kung sinu-sino ang mga tao behind it. Alam mo na yan, hija. Naituro na namin sa'yo kung paano ang kalakaran sa negosyo. Kaya pupunta kayo sa party.

"Kayo? What do you mean? You're not coming with us?"

Marahang umiling ang lola niya. "Alam mo naman ang kondisyon ng lolo mo. Hindi ko naman yo'n matiis na iwan mag-isa habang tayo ay nagpa-party tapos siya naiwang may iniinda sa katawan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DKRCS: The PresidentWhere stories live. Discover now