Chapter 3

393 14 0
                                    

"HER TEARS"

IM's

Mabigat ang pakiramdam ni Izza nang magising kinabukasan. Halos buong gabi niyang dinamdam ang mga nabasang comments sa social media. Dahil doon ay pakiramdam niya wala na siya kalayaan para magsaya.

Si Carlisle ay napilitang i-private na lang ang Instagram account nito. Si Tyker at Irish naman ay nag-deactivate na muna ng mga social media accounts nila pati na rin siya.

Namumugto ang kanyang mga mata habang nag-aalmusal sila. Ang mga kaibigan niya ay mga tahimik lamang at waring nakikiramdam sa kanya. Si Carlisle at Irish na animo aso't pusa dati, ngayon ay tila nagkakasundo na sa katahimikang namamayani.

Nakakailang subo pa lang siya ng chinese fried rice ay ibinaba na niya agad iyon sa foldable wooden table at humigop na lamang ng mainit na gatas.

"Bella. Hindi mo pa halos nagagalaw pagkain mo. Eat more, please. Nangangayayat ka na oh." Ani Tyker nang mapansin na wala na siyang balak ubusin ang pagkain.

Pinilit niyang ngumiti dito.

"I'll eat it later. Pasensiya na kayo pero h-hindi ko na talaga k-kayang lunukin eh." Naluluha na naman niyang sabi. Lumunok siya ng ilang beses upang pigilan na maiyak na naman. Nasa harapan pa naman sila ng pagkain.

Nakita niyang nakatinginan ang tatlo.

"I'll make sure she'll really eat that later." Si Irish na may halong pagbabanta sa tono. Binigyan pa siya nito ng tingin na tila nagsasabing "subukan mo lang huwag kainin 'yan mamaya, sasabunutan na talaga kita, Izzabella Marie!"

Mas matanda si Irish ng ilang buwan sa kanya kaya para dito ay ito ang Ate niya dapat lagi niyang sinusunod.

"Nag-text pala si Lola last night. She's asking what time daw tayo makakauwi. I guess magluluto na naman siya ng paborito niyong ulam mamaya." Pang-iiba niya ng usapan at pilit nilangkapan ng saya ang kanyang boses. Umagang-umaga kasi ay lungkut-lungkutan siya kaya ayaw niyang pati ang mga ito ay madamay sa kalungkutan niya.

Sobra-sobrang effort na nga ng mga kaibigan niyang pasayahin siya to lift up her mood. Yet here she is, na parang nababaliwala niya ang efforts ng tatlo dahil pinipili niya pa ring manatili sa dilim at ma-depress.

Mukhang effective naman ang sinabi niya sa mga ito dahil halatang nagustuhan ng tatlo niyang kaibigan ang narinig. Nagningning pa sa excitement ang mga mata nina Carlisle at Irish.

Paborito kasi ng dalawa ng tinumis na luto ng Lolo niya. Si Tyker naman ay paborito ang sinigang sa kamias na tilapia na may halong talbos ng kamoteng baging.

Kung tutuusin ay pare-parehong mayayaman naman ang tatlo ngunit nananatiling simple lamang ang mga ito. At isa 'yon sa mga nagustuhan niya sa kanyang mga kaibigan. Marunong silang magpakumbaba kahit may ipagyayabang naman.

"Ay! Bet na bet ko 'yan. Teka nga muna. Lemme talk to Granfie at papadagdagan ko ang buto-buto sa tinumis." Maarteng wika ni Carlisle na halatang excited.

"Baklang twooo! Wala ka talagang kahilig-hilig sa buto-buto ne. Palibhasa mahilig kang sumultop. Sluurrpp!" Pabirong asar naman ni Irish dito.

Nagtawanan sila dahil doon. Bahagya na rin gumaan ang pakiramdam niya.

"Grabe siya oh! Naku sinasabi ko sa'yo, Irish. 'Pag ikaw nakatikim na ng buto-buto at natutunan mo ng sumultop, I'm sure hahanap-hanapin mo 'yon. Right, baby Tyker? Sluurrpppp!" Ganting pang-aasar naman ni Carlisle kay Irish sabay himas sa braso ni Tyker na diring-diri sa ginawa nito.

DKRCS: The PresidentWhere stories live. Discover now