Chapter 2.1

629 24 2
                                    

"MAURICIUS KLYDE KLATTEN AND DKRC"


Klyde's

Nakakunot ang noo ni Klyde habang binabasa ang sinend ng kanyang secretary na appointments niya ngayong araw.

8am - meeting with the Taiwanese investors

10am - groundbreaking ceremony of Mr. Darius Klatten's new company

12nn - lunch with your family

2pm - BGC office

3pm - meeting with Mr. Bryce Maverick Gamboa

5pm - interview at Studio Nine

....

....

....

Tatlo pang naka-line up na appointments niya pero nawalan na siya nang ganang basahin pa ang mga 'yon. Basta na lang din niyang initsa ang kanyang mamahaling cellphone sa passenger seat at pinasibad na ang kanyang sasakyan patungo sa opisina.

Minsan ay gusto na niyang magreklamo sa takbo ng kanyang buhay. Napakarami nilang business na kailangan niyang i-manage. Pero mas nag-f-focus siya sa kanilang Airline And Shipping Company. Ang iba pang negosyo ng kanyang pamilya ay minsan na lamang niya sa isang linggo binibisita. Yon ang mga nasa NCR lang. Pero ang mga nasa probinsya katulad na lang ng Dark Knights Riding Club ay pinauubaya na niya sa matalik niyang kaibigan na si Juanczo Vergara at sa mga businessmen nilang member ng club.

Tiwala naman siyang hindi mapapabayaan ang DKRC sapagkat katulad niya ay mahuhusay din sa paghawak ng negosyo ang mga kaibigan niyang miyembro lalo na si Juanczo.

Silang dalawa ni Juanczo ang nagmamay-ari ng DKRC pero mas madalas nga na ito lamang ang makikita sa club sapagkat busy siya sa iba pa nilang business sa Manila.

Pero ngayon ay hindi na muna niya inu-obliga si Juanczo na i-manage ang DKRC. Kahapon lamang natapos ang kaso laban sa mag-asawang Jaime at Lorena Gonzalez na bukod sa sandamakmak na katiwalaan sa gobyerno ang ginawa ay nakuha pang saktan at kidnappin ang babaeng pinakamamahal ng kanyang kaibigan na si Stevielyne Alonzo na maging ang kapatid pala nitong si Floren at ama nitong si Congressman Juanito Vergara Sr. ay kinidnap din ng baliw na si Lorena Gonzalez.

A/N
[Remind ko lang po kayo ulit na pakibasa muna ang THE MAYOR para maging familiar kayo sa mga pangyayari at mga characters]

Gayunpaman ay alam niyang problemado pa din ang best friend niya ngayon sapagkat kahit nahatulan na ang mga Gonzalez ay nanatili pa ding magkahiwalay ang dating magkasintahan. Pagkatapos kasi ng kidnapping incident ay nagpasya ang mga Alonzo na ilayo na ng tuluyan kay Juanczo si Stevie. Natatakot na diumano ang mga magulang ng dalaga na baka maulit na naman ang hindi magandang pangyayaring naranasan ni Stevie lalo pa't tumatakbo ngayong Senador si Juanczo.

Isa-isa na rin kasing naglabasan ang mga kalaban ng mga Vergara sa pulitika simula noong naghain ng Certificate of Candidacy ang matalik niyang kaibigan. Isa pa ay dumanas ng matinding trauma si Stevie sa pinagdaanan sa kamay ng mga Gonzalez.

Hindi man ganoon kalala ang natamo nito sa anyong pisikal sapagkat may ilang bruises at sugat lang ito sa katawan, pero emotionally, dumanas ito ng trauma na kinailangan pa nitong sumailalim sa isang psychological treatment para matulungan itong makalimutan ang hindi magandang karanasan na sinapit.

DKRCS: The PresidentWhere stories live. Discover now