13

53 9 19
                                    

Kabanata 13: Prank





“Mara, ano nga ulit yung sinabi mo? Hindi na ako ang magtuturo sayo?!”

Hinanda ko na ang sarili ko sa mga sasabihin niya. Sino ba namang hindi magagalit? We are inside a vacant room at hinihintay ako ni Leo sa labas. Matapos kasi niya akong hilain, gusto niya agad hanapin si Hubert para sabihin ito sa kanya.

“Iʼm sorry, Hubert.”

“Great! Just great!”

Gusto ko siyang aluin. Alam kong masakit ang loob niya habang nakatingin sa bintana.

“Maraoussia.. Matagal pa ba yan?”

“S-Saglit lang, Leo..”

Gosh. Dati hindi naman ganito kakumplikado ang buhay ko a. Bakit ngayon, sobrang dami ng nangyayari at parang hindi ko na to kontrolado lahaat. With all the happenings, I want to go to the library and sleep there for one night.



“Pinilit ka ba ni Leonardo?”

“Naku.. Hindi.. Hindi niya ako pinilit.” I lied. Na sa totoo lang kaya pinili kong ako ang magsabi sa kanya dahil baka may mangyaring hindi ko gusto.


“Sorry talaga, Hubert..”

















“Tagay paa..”

There are men outside. Naglalasingan at nagkakantahan. Saglit na nawala sa paglalayag ang aking isip. Palagi naman ganito rito, sa pagkakaalam ko doon ang bahay nina Jed. His father always hosting a ‘party’ like Gatsby. Leader kasi ng mga tanod kaya hindi alintana ang curfew.

“Saan tayo pupunta. Gabi na Leo, maaga pa tayo bukas.” paalala ko.

“Dito ka lang. Saglit lang ako.”

Hinintay ko s’ya  sa tapat ng tindahan. Ngayon lang n’ya ako niyayang maglakad sa Sitio ng ganitong oras. At aaminin kong malaking bagay ito para sa akin. The cold alley way welcomed us. Matagal ko ng gustong maranasan ito sa kalagitnaan ng gabi. Sa kabila ng mahihinang busina ng panggabing sasakyan, uupo kami sa harapan para pag-usapan ang anumang bagay. Hinding-hindi kami uuwi hangga’t hindi ko nasasabi sa kanya lahat ng bumabagabag sa isip ko. Pero sa ngayon,  tanging paglalakad muna kasama siya ang matutupad.




“Ineng, hindi ba ikaw ‘yung ampon ni Emmy?” Tanong ni Ate Lerma habang pinagkakasya ang mukha sa kwadra ng tindahan.

“A-Ako nga po.”

“Ang ganda mo pala talaga. Kaya pala panay daan sa inyo ng mga binata dito. Lagi ka din pinag-uusapan dito sa tindahan ko. Kaya naman pala hindi ka masyadong hinahayaang lumabas ni—”

“Pabili nga ng yosi, Ate Lerma.”



Putol ni Leonardo sa mga ikukwento pa sana ni Ate Lerma. Parang lagi siyang nagmamadali. Hindi ko man lang naramdamang nakabalik na pala siya at may dala ng bola.

“Magkano ang maxx?”

“Piso.”

“Isa din. Keep the change.”
I ready my hanky para ipantakip sa ilong ko.

“Hindi ko naman sisindihan, Maraoussia. Maglalaro tayo.”

“Huh? S-sa court? As in ngayon na?”
So, it explains why he borrowed a ball. Ngayon na n’ya ako tuturuan.


“Hi, Mara! Crush ka daw nito ‘o.”

“Mara.. Gusto ka din n’ya..”

“Parang tanga ‘tong mga ‘to! Uwi!” leo acted as if he'll hit them with the ball.




BRING YOU HOMEWhere stories live. Discover now