01

145 9 13
                                    

Kabanata 1: Game

Maaga pa lang sinabihan na ako ni Tita Emmy. Hindi raw n'ya ako mabibigyan ng allowance for this week. Natagalan kasi ang pagkontak namin sa nag-iisang kapatid ni Mama — Tita Lou. Isang nurse sa Canada.

“Sa katapusan pa ang sahod ko, anak. Pasensya ka na babawi na lang ako sa yo sa susunod na—”

"It's okay, Tita. Meron pa akong naipon."

"Sigurado ka? Hindi ko ba kailangan manghiram?"

She wrinkled her forehead. Parang dumami yata ang guhit n'on kesa unang pagpunta ko dito. Maganda siya, halata 'yon kahit medyo stress siyang tignan. Napayuko ako, ngayon pa lang ayaw ko ng sabihing.. Wala naman talaga akong ipon. Makakadagdag lang ako sa alalahanin niya.

"Opo.. Hindi na kailangan.."

"Naku.. B-Baka naman nahihiya ka lang. Magagawan ko naman ng paraan,anak. Basta magsabi ka."

Her real name is Ermalyn de Guia. Kaibigan s'ya ni Mama noong college at bata pa lang ako nakikita ko na ang picture n'ya sa lumang gamit namin. They kept on exchanging letters at ang huling sulat n'ya kay Mama ang naging daan upang malaman ko kung paano pumunta rito. Magmula noon ay kinupkop na nʼya ako—itinuring na parang sariling anak.

It's still vivid to me how I left that place and end up here. It was a cold night of September.. Parang kahapon lang 'yon nangyari. Sandali akong natulala pero kaagad din nagbalik.

"I'm done. Hihintayin na lang kita sa labas."

Leonardo rudely get up on his chair. Tuloy, naalarma ako kaya gusto ko na din tapusin ang pagkain.

"Uhh..-"

"H'wag kang magmadali, Mara. Ubusin mo ang pagkain mo." si Tita na tumayo para puntahan ang anak.

Leonardo groaned and gently tap his mom's hand. Umiiwas ito sa tangkang pag-ayos sa necktie.

"Ma.. ako na.."

Sila lang dalawa. Wala na itong kinagisnang ama dahil pinagbubuntis pa lang s'ya nang iwan sila nito. I heard, Tita Emmy fell in love with her boss when she was in Italy. Well, everyone knows that story. Hindi ko na kailangan mag-usisa dahil halata naman. A dominant european feature is very evident to him

His height is fitted to his lean body, too. Hindi s'ya matangkad na matangkad pero mas mataas naman s'ya kumpara sa iba. Ang tangos ng ilong! Palagi kong nakikitang hinahawakan niya yon kapag nawawalan ng pasensya o kaya naiinis.

Hearthrob. Ang kaso ako lang yata ang nakakapansin sa barubal niyang kilos. He's too rough; a type of a person you could not handle if you are modest and prim. Kaya madalas mga bad girl ang nagiging girlfriend niya. Yung palaban. Kagaya ni Amie..

"Hintayin mo na si Mara para hindi na siya maglakad..."

Those lips! Isang kibot lang habang nagsasalita, hinding-hindi mo mapapansin lahat ng kulang sa kanya. He's a great seducer. Kaibigan n'ya halos lahat ng mayayaman sa school mapalalaki man o mapababae.

Bilang sa kamay ang mga pag-uusap namin.. Minsan tungkol lang sa mga utos ni Tita o kaya kapag sasabay ako sa kanya papuntang palengke o kaya school. Ngayon lang talaga naging madalas dahil parehas kami ng schedule.

"Bilisan mo na d'yan.. Mali-late ako kay Mr. Manaloto."

"Ahh.. O-Oo."

Ininuman ko na lang ang natitirang kape at daling nagpaalam kay Tita.















"Sakay na.."

"W-Wait.. I-che-check ko lang ulit ang-"

"Nasa mini compartment na lahat ng gamit mo, Maraousia. Wag kang praning.. hawakan mo 'to." ang T-square n'ya.

BRING YOU HOMEМесто, где живут истории. Откройте их для себя