08

105 10 9
                                    

Kabanata 8: The Aunt and the Niece.




"It seems you are in a good shape. Ready ka na this weekend?"

Nginitian ko lang siya. Sinabi ko na sa kanya ang pagpayag kong sumama. Nagpaalam na rin ako kay Tita at agad-agad naman siyang pumayag. Hindi ko na lang sinabi kay Bea na tapos na kaming makapag-empake dahil baka isipin niyang masyado akong excited.

"Hindi ka pa ba bababa?" may himig panunuksong tanong niya.

Ibinaba ko ang salamin atsaka umiling.

"H-Hinihintay ko si Leo. Meron kaming house cleaning ngayon sa bahay nila Cynthia.."

"Kayo lang dalawa?"

"Oo.. Busy si Tita sa work. Sayang naman dahil hindi naman talaga marumi yung bahay ni Cynthia.. Madali lang yon."

Napatingin ako sa kanya dahil mukha siyang amazed na amazed. Nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi.

"Ang ganda-ganda mo, Mara! Masaya ako kasi nakikita kong sinusubukan mong huwag maging mahiyain.."

What? Bea thought of that? I know she's one of the realest person I have. Pero sobrang moved ako sa pagyakap niya palagi sa akin at pagpuri lagi  kahit minsan siya mismo ang nanlalait sa kin.

"Hayan na sa labas ang sundo mo. Himala huh? Hindi ikaw ang sumusundo sa kanya ngayon.." kinurot niya ako sa pwet kaya napatili ako. Nakakahiya tuloy kay Leonardo dahil mukhang nakita niya yon. Madilim ang mukha niya habang nakasandal sa hamba ng pinto. Nanginig tuloy ang binti ko sa paglapit sa kanya.

"Mag-ingat kayo.." si Bea..

"Ikaw din." Leo said back.

Sa bus station kami dumiretso. Bawal kasi ang jeepney sa loob ng exclusive subdivision kung saan nakatira si Cynthia. Pareho kaming tahimik lang sa byahe. Gusto ko siyang kausapin pero busy siya sa pagdutdot sa scientific calculator niya. Something's bugging him and kept on clearing the formula he typed in. Nahihirapan ba siya sa acads?

"Fantagio Subdivision po."

I tap the red button beside me. Nakakahiya! Si Leo pa talaga ang pumara kaysa ako na wala namang iniisip. Ganun na ba ako ka-lutang? Hanggang sa guard house e hindi ako tumigil sa pagsita sa sarili ko. May araw pa kaya okay lang na lakarin na lang namin mula dito hanggang sa mansion nila Cynthia.

"Leonardo! It's been a long time since you came here. Akala ko hindi mo na alam ang pamamahay ko!"

"Magandang hapon, Cynthia.."

Bakas sa mukha ni Cynthia ang galak nang masilayan kaming dalawa. He kissed Leo on the cheek habang ako naman, niyakap niya ako ng mahigpit saka binulungan.

"Nag-bus lang ba kayong dalawa?"

"Hmmmn!" I answered.

"Good. Hindi pa dapat kayo nagtataxi dahil baka... Hindi niyo mapigilan ang mga sarili ninyo. Aigoo!"

Hindi ko narinig ang huling pangungusap niya dahil sa masuyong pagpindot ng kung sino sa tiklado ng piano.

Again, there's a thin thread inside my head that has been cutt. I've heard that symphony before.. hindi ko iyon maipagkakamali. Thatʼs my momʼs favorite orchestra piece. I saw my young self lovingly held by my mama in a split moment. Ahh. Siguro namimiss ko lang siya. Kaya siya lagi ang laman ng isip ko nitong mga huling araw. 

"I would like you to meet my niece.."

Inakay niya ako sa babaeng nagpa-piano. Si Leo naman dumiretso sa sofa para ilagay ang mga gamit namin doon. Pagtingin ko muli sa babae, doon ako natigilan ulit. Yung girlfriend ni Leo! Pamangkin siya ni Cynthia? No wonder kung bakit reserved and fine ito kumilos. It runs in the genes, I guess?

BRING YOU HOMEWhere stories live. Discover now