05

104 10 8
                                    

Kabanata 5:  Heʼs trying to realign your stars above.








Sumunod ako kay Tita sa kabilang rack habang tulak-tulak ko ang cart. Excited ako sa pagsama sa kanya maggrocery dahil sa wakas, nakuha ko na ang padala ni Tita Lou.

“O, Jajjangmyeon na naman?”

“I-Isa lang po. Pampagana sa pagrireview.” Makulit na sagot ko.

“Alam na ba ng tita mo na  nagtatrabaho ka na sa school? ”

“Hindi pa po..”

“Tsk. Pagagalitan ako nun. Tsaka anong mukhang maihaharap ko sa Mama mo kapag nagkita kami sa langit?”

Bigla akong natakot sa sinabi niya..

“Tita!”

I saw her protest look. Nakagat ko na lang ang labi ko habang tumatango. I feel bad for making this a big deal but, I need to. Nalaman na kasi nʼya dahil ang ingay-ingay ni Beatrice nung isang gabi.
Katakot takot na pagpapaliwanag pa ang ginawa ko para maikalma lang siya.

“Pasensya na po kayo, Tita..” Bea said. Sheʼs so apogetic that night.

“Sana man lang nagtext ka sa akin o kaya kay Leonardo.. Nag-alala kami sayo..”

Guilt crept to my mind. Na-lowbat kasi ang cellphone ko. Akala ko kay Leonardo ko nasend kaya laking gulat ko nang si Hubert ang madatnan ko sa hintayan ng bus at hindi si Leo.

“Tita sorry po. Hindi na po mauulit.” Si Hubert naman ngayon. “Malapit lang po dito ang bahay namin kaya isinabay ko na siya. Hindi na po ito mauulit. .”

Natigil lang ang pagsita ni Tita nang dumating na si Leo. Mukhang hindi nasisiyahang makita ang mga kaibigan ko sa bahay nila. Tinangka ko namang ipaliwanag sa kanya ang nangyari pero inunahan niya ako sa pagsasalita.

“Ma.. Pasok na ako.”

“Abaʼy hindi ka na ba maghahapunan?”

That made me more guilty. Gusto ko sanang sumingit sa usapan kaya lang madali na siya sa pagpasok sa kwarto niya..




“Mara.. Sigurado ka na ba dyan?”

Doon ako napabalik sa kasalukuyan..

“O-Opo, Tita.. Habang grade 11 pa ako. Tuloy tuloy na yon hanggang sa makagraduate ako ng senior high school.”

“Osiya sige. Kung anong gusto mo. Huwag ka lang magpagabi ulit. Delikado ang panahon ngayon.. Alam mo naman.”

“Opo...”

I scanned the other racks. Sa kabila naman ako pumunta para sa beverage. Naalala ko kasi na mahilig kami pareho ni tita sa milkman yogurt kaya iniligay ko na sa cart. But someone grab the last bottle. Ha! I touch it first. Kita naman na sa kung paano ko hawakan, di ba?

“Akin to—”

“Maraousia?”

“H-Hubert?”

There, I unclasped. Hindi ko naman kasi alam na siya pala ang kaagaw ko. Again, I canʼt explain what I feel. Minabuti ko na lang na kumuha ng ibang brand ng yogurt para siya na lang ang makakuha. Ngunit nanatili lamang siyang nakatitig sa akin.

“Groceries?” He asked, looking on my baskets.

“Oo.. Kasama ko si tita kaso—”

“Let me help you..” He took my place and pushed the cart. Naku, nasaan na ba si tita? Haay. Oo nga pala, safe haven niya ang supermarket kaya malamang kung saan-saan na napadpad.

BRING YOU HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon