10

67 10 31
                                    

Kabanata 10: HIDE & SEEK


Tanghali na kami lumabas para magligo. Wala ang araw kaya hindi masyado masakit sa balat. Sayang, gusto ko pa namang maging tan. Sinadya ko talagang hindi maglagay ng sunblock.

“Are you showing off? Porket kahit anong bilad mo sa araw hindi ka umiitim?” binato niya sa akin ang bote ng sunblock. “Magpahid ka..”

As always. Sheʼs too concern on my skin kaya wala akong nagawa.. Hindi ko na lang dinamihan para hindi gaano matindi ang epekto kekeke. Hindi naman kasi masyado mainit.

“Nariyan na sila coach.. Kaso may kasama..” sabi ni Dylan.

“Sino?”

“Si Sandra! Nagpumilit raw sumama.”

Dumapo ang tingin naming lahat kay Sandra. Parang nanliit ako. Kasi siya sobrang confident niya sa suot na two piece. Bagay sa kanya dahil sexy siya at matangkad.

“Hi Leo!” hinalikan niya ito sa pisngi at nakita kong hindi ito umiwas sa ginawa.

“Sorry ngayon lang ako. Alam mo na.. Hindi ako sanay magising ng maaga.”




Naglunoy ako sa pool at hindi muna nagpunta sa dagat. Lahat sila nandoon na. Pero ako nanatili muna ako ng ilang saglit. Suot-suot ko ang one piece orange swimsuit. My small curve accentuated. Hindi ko pa kayang suotin yung two piece na dala-dala ko gaya ng kay Sandra.. Saka na lang kapagka dalagang-dalaga na talaga ako..



“Bakit mag-isa ka rito?” Leo asked me from behind. Hindi ko namalayang nagsuswimming din pala siya rito. Nilangoy niya ang espasyo namin at madali akong hinila.

“Sumali ka sa amin. Naglalaro kami roon.”

“H-Hindi na..”

Pinigilan niya ang tangka kong pag-iwas. Teka.. Bakit may damit pa din sya? Yung mga kasama namin boarding short lang ang itinira. Kita ko nga ang abs ni Troy, Dylan at ni Orly e. Sya, yung tattoo lang naman ang gusto kong tignan. Curious lang ako kung anong itsura non. Tsaka mukhang hindi alam ni Tita kaya pati sa akin hindi nya pinapakita..

“Gigilitan ako sa leeg ni Mama kapag nalaman niyang pinabayaan kita rito mag-isa.” iritado na siya sa kaartehan ko. Bakit hindi na lang siya umalis?


“Fine.”

Pinalo ko ang tubig at naglakad papunta sa grupo. Umupo ako sa tabi ni Bea dahil busy sila doon sa bunutan. Ang unang game ay paunahan makaikot sa target. We are divided into three groups: Purple, Red and Yellow team. Napunta ako sa purple team, sila Dylan ang kagrupo ko. Kasama namin si Troy at si Sandra. Pinigilan kong tignan si Bea dahil mukhang gusto niya akong kunin habang nilalagay na sa amin ang colored bracelet..

“Gusto mo bang palit tayo?” she mouthed.

Ayaw ko namang ganoon at hindi dapat ako naiintimidate kay Sandra. Kaya ko to..

“Galingan mo ah? Ayoko sa mga talunan.” ang sabi pa niya. Mas lalo ko tuloy gustong manalo dahil sa sinabi niya. Sheʼs so good at pressuring people, huh?


Siya ang nauna. Kalaban si Bea ng Red at si Ainna naman ang lalaban para sa yellow. All we need to do is to have a fast u-turn so we could win.

Ang galing pala niya lumangoy. Mabilis siya at natalo niya sila Ainnah at Bea. Pagkatapos nun, si Dylan na ang sumunod. Kinakabahan ako kasi ako na niyan. Focus Mara, Focus! You know how to swim right? 

Sumisidsid ako kaagad nang makabalik na si Dylan sa base. The water still scares me but i need to cope up. Kitang-kita ko ang maliliit na bato sa ilalim. Sobrang linaw kasi ng tubig..  Gaya ng nangyayari sa tuwing nakikita ko si Ainnah, may tali na namang napatid at biglang may sumirit na scenario sa isip ko..


BRING YOU HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon