19

16 1 0
                                    

KABANATA 19: Guardian



Days were getting in a slow pace.

Kung kailan gusto kong hilahin pabilis ang araw, doon lamang ito bumabagal.

Naiwan ako mag-isa dito sa bulacan. Leo went back to Manila after that incident, sa lavatory room. After I hug him while crying my heart out about my broken friendship.

Tinapos lang niya ang ilang plate at ipinasa sa Unibersidad de Assuncion para kahit ilang linggo siyang mawala, hindi ito makakaapekto sa marka niya.

Ako naman, walang pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Hubert at Bea. Itʼs not getting worst but it wasnʼt good either. Pinariringgan pa din niya ako paminsan-minsan kaya nasasanay na rin akong hindi siya kasama. Madalas akong sumabay kay Orlando. Okay na yon. Kahit hindi pa ako college, nagkakaroon na ako ng kaibigan sa building nila. Madalas kong makita si Sandra pero hindi naman siya nagsasalita o gumagawa nang kahit ano sa akin.

“Hindi pa ba sumasagot?” Orlando ask. Ihahatid niya ako pauwi gamit ang kotse niya.

“Hindi pa. Baka busy siya sa pagre-review.”

“O bakit ka malungkot. Birthday mo na next week.”

Birthday ko na nga pero madaming ibig sabihin 'yon. Pagkatapos ng birthday ko, ibig sabihin uuwi na ako sa amin. Iʼm still seeing the doctor dahil hanggang ngayon, hindi ko pa din maalala lahat ng nangyari. Sa ngayon, nagtitake ako ng gamot para mapabilis at mapabuti ang lagay ko.

“Ilang araw na siyang hindi tumatawag saʼyo?”

“T-Tatlong araw na..”

“Huh?! Tatlong araw?! G*go iyon a.”

Huminto kami sa 7/11 at nilibre niya ako ng siopao.

“Okay lang..”

Hindi naman obligasyon ni Leonardo ang magreply sa akin all the time. Okay fine, we were calling each other every night. We were chatting each other everytime. Sa school, sa bahay. Hindi na nga babayaran ni Tita Emmy  ang bill sa wifi kaya nagsisimula na akong makigamit sa plan ni Orlando para hindi na ako gagastos ng data.

“I will tell him that you are waiting for his call, Maraoussia Irene.”

“No no no no. Okay lang talaga Orly. Walang responsibilidad sa akin si Leo. At wala din siyang sinabing maghintay ako.” sabi ko habang inuubos ang siopao para din makapagdrive na sʼya. Itʼs getting late. Ayaw kong mas mauna pa si Tita Emmy sa akin.

“G*gong iyon. Donʼt make yourself always available, Mara. Maghanap ka na ng boyfriend. That d*ckhead needs a lesson from you!”

Parang ako na ang bestfriend ni Orlando a. Okay lang! Parang kuya ko na rin naman siya. Isa siya sa mamimiss ko pagka uwi ko ng Pangasinan.

Agad akong nakatulog dahil sa matinding pagod. Kinabukasan, pagkagising ko mag-a-alasiyete na ng umaga. Nagmadali ako dahil traffic na kapag ganitong oras. Hindi na ako nakapagsuklay. Orlando is calling me, susunduin niya ako ako sa kanto pero malayo pa yon kung lalakarin. I decided to get my wallet and pay for tricycle.

Pagdating sa kanto ay nakatayo na si Orlando doon. Lahat ng batang nagkakara krus napapatingin sa kanya. Ang linis kasi niya tignan at masungit na nakatingin sa paligid. I knew already whenever heʼs peeking his watch then to me, Iʼm late. Galit siya pag ganon.

“Ang tagal-tagal mo. Sana sinabi mong kailangan kita sunduin sa inyo.”

“Okay lang magasgas ang magandang kotse mo?” I giggled. Sinuot niya ang shade at pinagbuksan na ako ng pinto.

BRING YOU HOMEWhere stories live. Discover now