18

21 2 0
                                    

Kabanata 18: Forehead kiss.




Dinala niya ako sa loob ng isang subdivision kung saan ang apartment niya. Hmmn, malinis ang loob. Walang maruming pinagkainan o basyo ng chichirya o bote ng alak. I sat carefully on his bed. Thereʼs no wall to hide his bedroom but it is incredibly organize. Hindi ako mapakali dito mag-isa kaya kinalikot ko na lang ang cellphone ko. Hinihintay ko siyang bumalik kasi sabi niya kailangan niyang bumalik saglit sa Review center para tapusin ang nalalabing oras.

I scan his house and see if he is entertaining other people here. Alam ko namang dalawang araw pa lang siya dito pero malay ko ba? I check the restroom at namula ako sa nakita ko. Mukhang kailangan kong ipaglaba si Leo dahil halos puno ng labahan ang maliit na basket. Para wala siyang iiwanang marumi pag-uwi namin sa Bulacan.

Pagkatapos kong maglaba, ilang minuto lang ay dumating na siya. Mabuti na lang hindi niya ako inabutan. May dala-dala siyang pizza at isang plastic ng ulam. Alas otso na ng gabi kaya paniguradong.. dito na nga ako magdidinner at magpapalipas ng gabi.

“H-Hindi pa ako nakakapag-paalam kay T-Tita Emmy..” I said, pagkatapos naming kumain. Nagliligpit na lang kami ng pinagkainan. Ako, nagkukuskos ng lamesa, Siya—naghuhugas ng pinggan.

“Tinawagan ko na siya, Mara..”

“A-Anong sabi? Galit ba siya sa akin?”

He stop so I knew the answer. Saka ko na lang haharapin pagdating namin. Mas lalong magbabago ang pakikitungo sa akin ni Tita Emmy pero nakapagtatakang hindi ako nagi-guilty this time.

“It would be better if this will never happen again..” I told him with no conviction. I just said it just to be decent but I donʼt really care no matter what it cause me. Mapa-image ko pa o kung anong sasabihin sa akin ng iba.

Where did you get that, huh? Is this your way to get him?

Irene—the decent side of me is guilt tripping me! Kaya bumaba ang balikat ko at bumuntong hininga sa harapan ng salamin. Magkasama kaming nagsisepilyo na parang parati namin itong ginagawa. We barely donʼt touch each other. Hindi kami ganito kahit nakatira ako sa kanila ng tatlong taon. In his tiny restroom, we felt we are the only living people as of the moment.

“I bought spare toothbrush. Para sa susunod na magpunta ka meron kang gagamitin.”

“Sabi ko hindi na 'to mauulit, Leo.”


“Says who, Mara?”

Pumikit ako nang hawakan niya ang braso ko.

“Hmmn. Says who?”

Argh! Hindi ba siya nag-aalala kay Tita Emmy? Sa sasabihin niya?

“Hanggang kailan ka ba dito?”

“A month.”

A month?!! Ang tagal nʼon!

“Silly! Hahahahha.”

“Makakadating ka ba sa birthday ko?”

Nawala ang ngiti niya. He canʼt promise a thing to me. Alam kong hindi siya makakapunta dahil busy siya at sinabi ko na nga kanina na building his future will never be a bother to me. Kaya sana hindi na lang ako nagtanong.

Inayos niya ang higaan at nilagyan ng partition sa gitna. Pinahiram niya ako ng short at malaking t-shirt para makatulog na ako.

Tinignan ko siya. Again, his profound nose is so beautiful. Sinara namin ang ilaw kaya tanging ilaw sa labas ang dahilan para makita ko siya. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin sa ibabaw ng partition. Our legs touches sometimes. Umisod pa ako palapit sa kanya.

BRING YOU HOMEWhere stories live. Discover now