“Mama! Is it true? Dito sila titira?! No way..”

“Don't be a brat.. Ayaw mo ba nun, may kalaro ka na.. Hindi ka na maiinip dito sa malaking bahay.”

“But Mom..”

“Baby.. Sandali lang sila rito. I promise.”


She was undeniably beautiful. Masaya ako dahil nakita ko ulit ang mapagmahal na ngiti ni Mama. Hindi ko alam kung bakit nagkakaroon ako ng vision from the past. O kung bakit masakit ang ulo ko sa tuwing nangyayari yon. Ang alam ko lang... Nag-ti-trigger yon sa tuwing may malalim akong iniisip at kinakabahan. Tulad kanina.

Sinalubong ako ni Troy at daling lumangoy.

“Kaya ka lang naman nanalo kasi sinadya ni Leonardong bagalan ang paglangoy. Even Orlando! Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa kanila. Favorite ka nila masyado!”


Ako lang ang nakarinig sa masasakit na sinabi niya. They are all busy to the game. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpahinga na lang sa buhanginan. Haay.. Bakit kaya ang sungit-sungit sa akin ni Sandra? Hindi ba talaga kami pwedeng maging magkaibigan?




We won and we will have a price. Ibibigay daw ni Coach Greggy ang premyo mamayang gabi. Ang pangalawang game ay Tug of War. The yellow team scattered, dahil dalawang opposing group lang ang kailangan sa laro. Napunta sa amin si Ainnah at Leonardo. Ayoko ng tignan kung paano nagningning ang mga mata ni Sandra pag kausap siya.

Iniwasan kong tignan sila. Im clueless where I should be. Sa huli, pinili ko na lang dito na lang sa likod nila.

“Dito ka..” ang sabi niya pero di ako sumunod. Bakit hindi na lang si Sandra ang ayain niya. Tsaka isa pa.. Hindi niya dapat ako kinakausap dahil baka magalit na naman sakin si Sandra..

“Mara..”

“Dito na lang ako..”

I saw him he shut his eyes for a split seconds. Pagbukas ng mga yon, nakita kong parang tumingkad ang kulay asul na mga mata.

“Hi, Irene.. Congrats!”

“T-Thank you, Ainnah.”

“Nag-eenjoy ka naman ba?” she asked with weariness on her voice.

“Oo. Nag-eenjoy ako..”


“Game? Position na guys. Goodluck!” Sigaw ni Coach.


“Dito ka lang. Dapat. ” Bulong niya habang hawak ako sa bewang..

He placed me on the weakest spot for peteʼs sake.

I sighed.. Hindi ako natutuwa rito dahil parang hindi naman ako siniseryoso ng mga tao. Hindi naman nila kailangang bagalan kanina kasi kaya ko naman manalo kahit hindi nila gawin yon. I poured my sentiments on the rope..

“Dahan-dahan. Baka masugatan ka..” I can feel his breath on my skin. He extended his arm to help me pulled the rope. Mahirap talunin sila Orlando. Bahagya akong nakukuha but Leo always pulling the rope. Sa  huli kami pa din ang nanalo kaya nakadalawang win na kami. Ayoko na sumali sa pangatlong game.

“You look upset.. Pagod ka na?”

“Hindi pa! Why are you treating me like this.. K-Kaya ko naman..”

Muli.. Sumakit ang ulo ko..

“Let Sekainnah enter the Pageant. Hindi ka mananalo dahil bata ka pa. Hindi ka pa pwedeng—”

BRING YOU HOMEWhere stories live. Discover now