Kabanata 28

134 9 0
                                    

KABANATA 28

“BITIWAN niyo kami!” Nagpamuligpas si Yheura sa mga kawal.

“Hiriku! Hiriku!” Sigaw ni Yheura sa binata. Umiiyak siya habang nakatingin sa sugatan na taga-bantay habang ang kapatid ay walang emosyon na tumingin sa mga kawal.

Napapikit si Yheura. Hindi sila nakatakas! Masyadong maraming kawal na naka-paligid sa palasyo.

Nasaan na ba ang Ama at Ina? Bakit wala sila kung saan kailangan na kailangan sila? Gagawin ba talaga ito ni Ama na halos sinaktan na ng mga kawal ang anak nito at Hiriku?! Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa palasyo!

Kinulong sila ng Ama sa palasyo na ito! Wala na silang kalayaan! Ang bigat-bigat ng dibdib ni Yheura habang nakatingin sa kapatid at taga-bantay niya. Ayaw ni Yheura na maparusahan ito dahil sa kanila!

Wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan. Hindi siya. Wag siya!

“Ikulong sa silid nila ang Princepe at Princesa. Parusahan ang taga-bantay ni Princesa Yheura” Rinig ni Yheura na sabi ng kawal.

Umiiling si Yheura. Takot na takot na tumingin sa taga-bantay niya.

“W-wag! Wag niyong g-gawin 'yun! Nakikiusap ako!” Nagmamakaawa na sabi niya sa mga kawal. Ibang bahagi na mga kawal.

Ano na ang nangyari sa palasyo l? Hindi na ito ang palasyo na kinagisnan ko.

“Nasaan si Ama at Ina? Wala kayong karapatan na parusahan si Hiriku! Pakawalan niyo siya!” Sigaw ng kapatid niya.

Isang malakas na samap ang ginawad ng kawal sa kapatid niya. Nanlaki ang mga mata ni Yheura at hindi makapaniwala sa nasaksihan. Bakit? Bakit nila sinaktan ang kapatid niya?!

Bakit hinahayaan sila ng Ina at Ama na tratuhin sila ng ganito?!

“L-luxe! L-luxe!” Histerical na tawag ni Yheura sa kapatid niya.

May mga magulang ba na matiis ang anak na sinasaktan at nasasaktan?!

“Dalhin niyo na sila. Ang Princepe ay ipapakasal sa Princesa sa dadating na dalawang kung hindi papatayin si Princesa Yheura”

Nanigas si Yheura sa narinig. Pumaligpas ang kapatid niya at galit na galit ang mukha nito. Papatayin siya kapag hindi natuloy ang kasal ni Luxe at Viri? Ito ba ang sinasabi ng Ama na para sa ikakabuti nila?!

Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi kona maintindihan! Wala dito si Ina at Ama? Nasaan sila?

Umiiling si Yheura. Pangamba at natatakot si Yheura para kay Hiriku. Kinaladkad ng mga kawal ang binata palayo sa kaniya, Sa kanila!

“Hiriku! W-wag! H-hiriku!”

Umiiling parin si Yheura habang ang Binata ay nakatango lamang sa kaniya. Bakit ang tapang nito pagdating sa ganito? Hindi man lang ba ito natakot?

“Ikulong sila !” Sigaw ng kawal.

Dumako ang tingin ni Yheura sa kapatid. Halos hindi na niya ito masilayan dahil sa mga luha niya. Bagsak ang mukha ng kapatid at sarimot-saring emosyon ang bumalot dito. Ang galit, kamunghi, sakit at takot.

“Yheura, wag kang mag-alala. Okay? Aalis tayo dito. Lalayo tayo dito kasama si Hiriku. Wag ka ng umiyak!” 'Yun na lamang ang narinig ni Yheura sa kapatid.

Pag-pasok pa lamang ni Yheura sa silid. Hindi na mapigilan na humagulgul sa iyak. Noon, nandiyan ang Ina para damayan siya pero nasaan na ito?!

Ano ang ginawa nila sa Ina?!

NAGTAGO si Argon sa maliit na bato ng makita ang isang daan na kawal sa palasyo. Nagsisimula na ang Supremo sa mga plano nito! Kilala ni Argon ang mga kawal sa palasyo at sa nakikita niya. Ang mga kawal na nasa paligid ay pagmamay-ari ni Elundreno.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang