Kabanata 36

122 7 0
                                    

KABANATA 36

NAPATIGIL si Argara sandali sa tanong ni Nichollo. It's pain inside of her hearing those words from Nichollo. Gusto niya sabihin dito ang totoo pero hindi niya alam kung paano?!. Hindi niya kaya 'yun! Ayaw niyang mapahamak ito ulit. At, ayaw niya mawalay ito sa kaniya!

"Nichollo !"

Napalingon sila ng marinig ang sigaw ni Ersyia. Tumakbo sa kinaroroonan nila ang nag-aalala na si Ersyia. Something confused her from Ersyia. The way she smile, her likes and dislike. Bakit ang pamilyar nun sa kaniya? Parang kamukha na kamukha nito si Ate Nara?

Agad itong pumunta sa kaibigan. "Okay ka lang ba, Chollo? Nasaktan ka ba? Patingin nga? Ano ba ang ginawa nila sayo ?" Sunod na sunod na tanong ni Ersyia may pag-aalala sa mga mata nito.

"Okay na ako, Ers. Tinulungan ako ni Ate Argara"

Agad na yumuko si Ersyia sa kaniya.

"Salamat po talaga, Ate Argara." Paulit-ulit itong yumuko habang nagpapasalamat ito.

Umiling si Argara.

"Nandito kayo sa amin kaya kailangan lamang na protektahan kayo"

Dumako ang tingin ni Argara sa mga mata ni Nichollo. She saw how Nichollo admire her and Argara felt something inside of her that words can't describe. Nakikita palang niyang humahanga na ito sa kaniya. Ang saya na niya at hindi niya mailarawan kung gaano siya ka-swerte sa anak.

"Ang bait niyo po magkapatid at si Louis. At, kahit Nykiraniya kami tanggap niyo parin kami" Galak na galak ito habang sinasabi 'yun.

"Hindi ba magagalit ang magulang mo sa pag-takas mo, Ersyia?" Tanong niya.

Nawala ang ngiti sa labi ni Ersyia.

"Ayoko na bumalik doon, Ate Argara. Paparusahan po nila ako ng kamatayan"

Kamatayan? May magulang bang matiis na nakikita na nasasaktan ang anak? Argara can't stand seeing her son in pain. That's make her heart wrench in pain. 'Yun ang hindi niya matatanggap sa sarili.

Mariin na pumikit si Argara. Sinasaktan ba doon si Nichollo habang malayu si Nikullas?

"Argara" Sulpot ng kapatid.

Bumaling siya dito.

"Mag-usap ito" Dagdag ng kapatid.

"Papasok muna kami, Ate Argara" Ani sa kaniya ng dalawa.

Tumango na lamang si Argara.

Matiim na tumingin si Argara sa kapatid ng nawala na sa paningin nila ang dalawang bata.

"Kailan mo sasabihin sa kaniya?" Bungad agad ng kapatid.

"Ikaw, kailan mo sasabihin sa kaniya?" Balik na tanong ni Argara sa kapatid.

Argon look on her, blankly. Sa nakikita niya sa kapatid may hinihintay ito. Naaawa na siya sa kapatid dahil hanggang ngayon umaasa at nag-hihintay parin ito.

"Ikaw ang tinatanong ko, Argara"

Malalim na tumingin si Argara sa maliit na ilog. Hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa anak.

"Wag muna akong alalanin, Kuya" Mahinang sabi niya.

"Argara, kamumuhian ka ng anak mo"

Bumaling siya sa kapatid.

"Kakamuhian karin niya, Kuya. Hindi kaba natatakot baka sa isang iglap mawala sayo si Louis? Dapat sinabi muna sa kaniya. Sabik na sabik na si Louis na mayakap ka o makilala ka! Hindi ka ba nasasaktan habang nakatingin sa anak mo, Kuya?"

Magkabilang Mundo (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon