Kabanata 8

231 12 0
                                    

KABANATA 08

“NANDIYAN ka na pala, Señorita” Bungad agad sa kaniya ni Nay Sora. Tinaasan niya ng kilay ang masungit na princepe.

Inis ang mukha na umupo siya sa kapatid na kinaiinisan niya at katabi nito ang isang lalaki. They're sweet, mag-jowa ba sila?

Bagay silang dalawa.

“Mabuti naman at pinayagan kayo ng inyong ama na pumunta rito, Señorito Luxe. Alam niyo naman ang nangyayari ngayon sa atin mundo.”

Kumot-noo na tumingin siya sa kanilang apat. Bakit ganito sila?

“Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni ama. Kausap niya ngayon si Kuya Argon”

Natigilan sila nang biglang nabitawan ni Nay Sora ang kubyertus nito. May nasabi bang mali si Semasu?

“Bumalik na siya ?”

Tahimik na tumango ang tatlo. Sino si Argon?

“Puno ng sakit at lungkot ang mga mata nito. Umiiyak rin siya habang nakaluhod sa harap ng ama ko kahapon. Hindi ko alam kung bakit”

Nagbuntong hininga si Nay sora. Sino ba si Argon?

“Noong unang panahon isang hinahanga-an at tinatakotan ng lahat ng Dreaminian si Argon pero may kahinaan rin ito. Ang kahinaan niya ay ang mahal niyang kasintahan. Sa iba sinasabi nila na walang puso at demonyo si Argon dahil sa ginawa niya pero hindi alam ng lahat na ginawa lang iyon ni Argon para mabuhay at manatili ang mahal niya sa buhay. Saksi ako sa katapangan, pagtatanggol at pagdudusa ni Argon. Wag kayong maniwala sa iba. Si Argon ay isang mabuti at mabait na lalaki na nakilala ko”

May ngiti sa labi ng matanda habang sinasabi 'yun.

“Siya ba ay may takip sa mukha ?” Tanong ni Louis ng may nakita siya ngayon-ngayon lang sa bintana ng bahay ni Nay Sora na dumaan. Isang lalaki na may maskara at may kasamang lion?!

“Paano mo nalaman ?”

“Nakita ko siya sa labas ngayon lang”

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Louis. Ang weird talaga nila!

“Kumain na muna kayo, mamaya na taong mag-kwentuhan” Pag-tigil sa kanila ni Nay Sora.

Umiling nalang siya at hindi pinansin ang nakita kanina.

“Nga pala hiriku, alam ba niya ito na nandito ka ?” Tumingin ang lalaki kay Nay Sora at tumango.

“Nagkita kami kahapon at uuwi siya mamaya dito, nandiyan na nga siya sa labas”

Sino ba ang tinutukuy nila. Naguguluhan na siya.

“Hayaan mo muna siya. Alam mo naman na nasasaktan pa rin siya ngayon, diba?”

“Naintindihan ko, Nay Sora”

Tumango si Nay Sora. Hindi mapakali si Louis, gusto niya lumabas. She doesn't know but she felt like someone was waiting on her, outside?

“Pwede ba mag tanong, Señorita ?”

“Oo naman po”

Tumingin muna ito sa kaniya. “May asawa na ba ang Ina mo o kaya kasintahan?”

Nagulat siya sa narinig. Sa natatandaan ni Louis, wala naman si Mommy na kasamang lalaki. Malungkot at masasaktan kapag kasamang iba ang ina maliban sa ama niya. Gusto ni Louis na ang ama lang niya ang nasa puso ni Mommy at wala ng iba.

At hindi siya papayag kapag pinalitan ni Mommy si Daddy.

“Wala, ayoko kahit hindi kami magkasundo o ayaw niya sa akin. Hindi ako papayag na may lalaking umaaligid kay Mommy. Hindi naman ito nag dala ng lalaki sa bahay namin o may kasama ito. Ayoko, ayokong palitan niya ang ama ko sa puso niya. I don't like it. Kapag pinalitan niya si daddy, hindi kona siya ituturing na ina.” Seryuso na sabi niya. Kumukulo ang dugo kapag iniisip 'yun.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now