Kabanata 37

142 10 0
                                    

KABANATA 37

"LAYU-AN mo ang taga-lupa na 'yan, Argon! Ipapahamak mo ang sarili mo." Bungad agad nang Ama ni Argon sa kaniya.

Umatras si Argon at umiling sa gusto nang ama nito. Hindi niya kayang layu-an o iwan man lang si Louisa!

"Ayoko, Ama. Mahal ko siya!"

Agad na pinigilan nang ama nito ang sasabihin niya bilang isang malakas na tawa.

"Bobo ka kapag minahal mo ang isang taga-lupa, Argon! Kahit kailan hindi kayo magkakatuluyan.."

Matapang na tumingin si Argon sa Ama. Wala siyang pakialam kung lahat nalang gagawin nito para pahiwalayin sila ng kasintahan! Handa niyang protektahan ang dalaga, makasama lang ito.

Wala sino man ang makapag-palayo sa kaniya sa kasintahan!

"Ama kahit anong gawin mo! Hindi ko siya hihiwalayan"

"Tumahimik ka, Argon! Ikakasal ka sa Princesa Ahrie. Kapag hindi mo sinunod ang sinabi ko, ako ang papatay sa babae na iniibig mo!" Pagbabanta ni Ama sa kaniya.

Rumihistro sa mukha ni Argon ang galit sa Ama Hindi niya kayang gawin ito sa kaniya! Wala itong karapatan na mag-desisyon sa buhay niya!

"Kapag ginawa mo 'yon, Ama. Kalimutan mo nalang na anak mo ako. Ayoko magpakasal sa Princesa Ahrie!"

"Princepe at Princesa ang dapat magka-tuluyan, Argon!"

Umiling si Argon.

"Hindi, Ama! Porket Princesa si ina tapos Princepe ka. Itutulad mo ako sa inyo?! Kahit kailan sinunod ko ang gusto niyo pero ngayon susundin ko ang gusto ko. Walang makapag-hiwalay-" Galit na tumayo ang Ama ni Argon at pinukol siya nang masamang tingin.

Desidido si Argon sa gagawin niya. Walang makakapigil sa kaniya! Sa kanila! Kahit anong gawin ng Ama, hindi niya susukuan ang kasintahan..

Ito ang buhay niya at lalo na ito na ang pahinga ni Argon..

"Wala ka nang magagawa, Argon! Nakatadhana kang magpakasal sa Princesa! Nandito si Princesa Ahrie para sa paghahanda-"

"Ama! Kapag ginawa niyo ito isusuko ko ang pagiging Princepe na ito! Ayoko dito" Mas lalong nagalit ang ama niya sa sinabi ni Argon. Isusuko niya ang lahat para kay Louisa.

"Papasukin niyo ang taga-lupa! Tingnan natin kung hindi mo susundin ang gusto ko Aragon !" Dagundong ang boses ng Ama niya.

Mabilis na bumaling si Argon sa papasok na kawal at kasama si Argara at Louisa!. Nagtagis ang bagang ni Argon habang nakatingin sa Ama. Hindi na niya gusto ang ginagawa nito!

Ipagawa na nito ang lahat pero wag na wag nito idadamay ang kapatid at kasintahan niya!

"Hart!" Nanginginig ang boses ni Louisa habang tinatawag siya nito. Nakita ni Argon ang takot nito at pag-alala. Ang kapatid naman niya ay may sugat sa braso nito. Hindi makapaniwala na tumingin si Argon sa Ama.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now