Kabanata 38

131 12 0
                                    

KABANATA 38

“NASAAN ang kapatid mo ?” Maingat na napatingin si Argon sa paligid baka makita sila nang mga kawal. Akay-akay niya ang kasintahan sa likod niya.

“Malapit na tayo kung saan sila” Tugon niya sa dalaga.

Pinatong nito ang mukha sa balikat niya. Alam ni Argon na hindi pwede umibig sa iba kundi sa Dreamaniya lamang. Pero, hindi ni Argon maiwasan. Unang tagpo pa lamang nila ni Louisa, nakuha na nito ang atensiyon niya. Ayaw niya mawala ang dalaga sa paningin niya. Ayaw ni Argon na mawala ito sa tabi niya.

Handa niyang gawin ang lahat para sa mahal niyang babae.

Kuya” Agad na pumunta sa kinaroroonan nila si Argara. Mahigpit siyang niyakap ng kapatid at ganun rin ang ginawa nito sa kasintahan.

Matiim na tumingin sa kaniya si Argara. Alam ni Argon na kahit ilihim niya ito, hindi hahayaan ni Argara na harapin niya ito mag-isa. Kahit anong gagawin niya, hahanapin at mahahanap siya ng kapatid niya. Kaya hinayaan niya ito, ayaw niya rin mawalay sa kapatid niya. Kailangan rin nila gawin ito. Kailangan nila tumakas at lumayo.

Sasama kami sa inyo” Bumaling ang tingin nila kay Ahrie. Mas lalong gugulo ang sitwasyon!

“Ahrie, alam mo ba kung gaano ka delekado?

Hayaan muna kami, Argon. Gusto ko makasama ang kasintahan ko” Sabay tingin nito kay Mathias.

Nagbuntong hininga si Argon sa sinabi nito.

Umalis na tayo dito” Ani ni Argon sa kanila. Walang halong takot ang mukha nila sa gagawin. Isa lang ang kinatatakutan ni Argon. 'Yun ay ang masaktan si Louisa at kapatid niya.

“Kaya ko nang mag-lakad, Hart” Pag-pigil sa kaniya ni Louisa.

Binaba niya ito.

Sigurado ka ba? Baka hindi mo—” Tinakpan nito ang bibig niya bilang pag-pigil sa kaniya. Pagkatapos, tumango ito sa kaniya. “Umalis na tayo at wag mo na akong alalahanin

Pinagsiklop nito ang kamay nila. At, ganun parin ang reaksyon ng puso niya, sobrang lakas 'yun. 

Tumingin si Argon sa kanilang lahat. Tango ang binigay nila sa kaniya. Ito na talaga? Pag-umalis na siya dito, iiwan na niya ang pagiging Princepe. Sa totoo, ayaw naman ni Argon ang maging Princepe pero ito ang nakatadhana sa kaniya kaya kailangan niyang harapin ito.

Bumaling siya sa kasintahan at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. Bago sila umalis, ninakawan niya ang kasintahan ng halik.

H-hart

Ngumiti siya dito.

“Tayo na?”

Tumango ang dalaga sa kaniya.

NAKALABAS na sila ni Argon sa tarangkahan nang palasyo pero sa hindi sinasadya nakita sila nang isang kawal. Alam nila ang pasikot-sikot ng palasyo pero sadyang maraming kawal ngayon ang nasa paligid.

“Bilisan natin !” Sigaw ni Argara sa kanila.

Mahigpit na hinawakan ni Louisa ang kamay niya. Takot na takot ito habang nakatingin sa kaniya.

Isang maliit na ngiti ang ginawad ni Argon para mabawasan ang takot ng kasintahan niya.

Argon!” May humahangos na apat na kabayo ang pumunta sa kanila.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon