Kabanata 17

173 9 3
                                    

KABANATA 17..

“PATAYIN mo ang taga-lupa! Kung ayaw mong ako ang papatay sayo !” Ma-awtoridad na sabi nang isang matandang Hari.

“Mahihirapan po tayong patayin ang taga-lupa—”

“Anong sabi mo?!”

Napayuko at napaatras ang lahat sa sigaw at galit ng matandang Hari.  Lahat ng naroroon ay tila isang robot na hindi makahinga at maka-kilos. Takot na takot ang mga mata nila. Tila kapag kumilos sila ay parang katapusan na nang mundo.

Walang sinuman ang makakapagpigil sa matandang Hari.

“Bumalik na po si Princepe Argon, Supremo”

Humalak-hak na parang baliw ang matandang Hari. Palakad-lakad, paikot-ikot at tatawa naman ito na parang may masamang binabalak.

“At kahit si Princesa Argara ay bumalik rin”

Nasa baba ng matandang hari ang kamay nito at tila malalim ang iniisip. Habang ang lahat naman ay nagkatinginan at tahimik.

Bahagya nagulat at nanginginig ang mga mata ng lahat sa takot. Malakas na hinampas ng matandang Hari ang kamay nito sa mesa. Hindi man lamang ito nasugatan o nasaktan?

Hindi alam nang lahat ng Dreaminiya na may isang taong unti-unti silang pinapatay. Dahil sa makapangyarihan ang Hari walang sino man ang mag-tangkang kalabanin ito.

“Argon?! Argara?! Kayong dalawa.. Kayo ang sisira sa plano ko. Kailangan maging akin ang mundo na ito. Akin lang ang mundo na ito! Kapag nalaman ng taga-lupa na 'yan ang kasulatan ng portal mawawala sa akin ang lahat. Hindi maaari! Patayin silang lahat. Patayin!”

At, Kapag namatay silang lahat! Wala nang magtangkang kunin sa akin ang trono ko at higit sa lahat magiging akin rin ang mundo na ito. Kailangan gumawa ako nang plano para patayin sila !”

Tumatawa ito nang mag-isa habang tila naguguluhan na ang mga kawal sa inaasta nang supremo.

Para bang may sumanib na masamang ispirito dito.

“Tama ka Elundreno! Ang talino mo talaga. May kahinaan si Argon at Argara kaya aalamin ko 'yon. Pagkatapos doon na ako sumulong para patayin sila hahhaha!” Madilim, malalim at matigas na sabi ng matandang Hari sa kanilang lahat.

Lumapit ang matandang Hari sa isang kawal. Hinawakan nito ang kwelyo at pinatayo. Pinagpantay nila ang tingin sa isat isa. Halos kapusin ng hininga ang kawal. Walang sinuman ang umangal o mag angat ng tingin sa Hari.

“Ikaw! Magmatyag ka sa bahay ng matandang manggagamot. Wag kang magtangkang magpa-kita sa kanila kung ayaw mong ako ang papatay sayo, naintindihan mo ba ?!”

Tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan ng kawal nang marinig ang malalim na boses ng Hari. Nakakatakot at nakakalambot ng buong katawan kung sino man ang kaharap ng Hari.

“N-naiintindihan ko, Supremo”

Tinapik-tapik nang matandang lalaki ang balikat ng kawal at pinakawalan. Bagsak ang katawan ng kawal at wala nang malay! Lahat ng kawal doon ay gulat na gulat at takot sa nakita nila.

Hindi man lang nila nakita na sinaksak nang matandang Hari ang kawal. Puno nang dugo ang su-ot nito at naka-mulat ito wala nang buhay.

Nagtataka ang mukha at naguguluhan ang lahat sa nasaksihan.

“Bakit ko siya pinatay ?!” Tanong nang Hari sa lahat ng kawal na nandoon.

Kinuha nito ang punyal na naka-tusok sa tiyan ng pinatay nitong kawal.

“Walang sinuman ang magtangkang matakot sa harap ko! Ipakita niyong matapang kayo. Walang awa at kayang pumatay. Dahil kapag nakita ko ang takot sa mata niyo. Wala akong awa na patayin ka! Ang lahat ng tauhan at alagad ko ay walang puso, walang awa at matapang !”

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now