Kabanata 34

139 6 3
                                    

KABANATA 34

“NASAAN ang anak mo, Nikullas ?!” Hinampas nang Haring Nykirian ang kamay nito. Hindi nito inaasahan na makatakas si Nichollo sa kanilang mundo. Hindi lang si Nichollo kundi pati na ang anak ni Dayro at Kana na si Princesa Ersyia.

Nakayuko ang mga opisyal at limang nakakasunod sa posisyon nang hari dahil sa ginawa nang dalawa.

“Pasensiya na mahal na Hari sa ginawa nang anak ko si Ersyia. Wag po kayo mag-alala kapag nakita nang kawal kung nasaan ito, parurusahan namin ito” Magalang na sabi ni Kana. Ina ni ersyia.

Madilim na tumingin ang Hari sa lahat nang Nykirania.

Mga walang silbi!

Agad na umiling si Nikullas sa sinabi ni Kana. Isang mabuti na anak si Ersyia at kahit kailan ay sinusunod nito ang gusto nang mga magulang.  Kaya alam ni Nikullas kung bakit sumama si Ersyia sa anak niya.

“Kapag nakita ang dalawang bata. Ako na ang bahala—”

“Ano naman ang gagawin mo, Mahal kung Kapatid? Parusahan sila nang kamay mo o papakawalan mo sila kagaya, noon? Walang silbi kung ikaw ang paparusa sa kanila!” Diin na sabi ni Brakon sa kapatid niyang si Nikullas. Matalim at walang inuurungan na tiningnan ni Nikullas si Brakon.

“Sino ba ang Ama na kayang masaktan ang anak nila ha ?” Habang sinasabi 'yun ni Nikullas. Dumako ang tingin nito sa mga magulang ni Ersyia. Alam ni Nikullas na sagad na sagad ang galit nila sa kaniya. Alam rin ni Nikullas na wala siyang kakampi sa Nykirian maliban sa Ama niya.

“Wala naman talaga silbi ang anak mo dito Nikullas. May dugo siyang Dreaminiya! Hindi siya karapat-dapat na maging Princepe sa mundo na ito” Disgusto na ani nang isang opisyal. Lahat naman nandoon ay umingay at sumasang-ayon sa sinabi nito.

Napatahimik ang lahat sa biglang pag hampas ulit nang hari sa harapan.

“Tumahimik kayong lahat! Sat-sat kayo nang sat-sat wala rin naman kayong ginawa para mahanap ang dalawa !”

Nag-aalala na tumingin sa kawalan si Nikullas. Sobra ang pag-alala nito sa anak niya.

Paano kung bihag na siya nang mga Dreaminiya?

Paano kung sinaktan siya? Kahit anong ang gawin ni Nikullas, ayaw makinig sa kaniya si Nichollo! Sabik na sabik itong makita ang Ina kahit na alam niya wala na si Argara.. Pinatay ni Ama si Argara!

“Ama, si Ersyia at Nichollo ay tinalikuran na ang ating mundo. Wala na tayong pakialam kung mamatay sila sa mundo na 'yun. Ama nandito pa ako para sa kaharian”

Pumikit ang Hari sa sinabi nang bunso nitong anak. Umiba ang emosyon sa mga mata nito. Hindi gusto ang sinabi nang anak niya.

Si Nikullas naman ay walang Pakialam sa Trono na sinasabi nang kapatid niya. Ang importante lamang sa kaniya ay ang anak at wala ng iba!

“ Ang pinag-uusapan natin ay si Nichollo hindi ang Trono na hinahangad mo. Hindi mo nga kaya na patayin ang isang Princepe nang Dreaminiya!”

Tumahimik si Brakon sa sinabi nang ama nito. Nakakuyom ang kamay habang madilim na tumingin sa kapatid na Nikullas.

“Mahal na Hari, hindi natin mahahanap ang dalawa kung mas lalong lumakas si Elundreno. Lahat nang alipin sa Dreaminiya ay ginawa nitong kawal! Hindi lang 'yun, Mahal na Hari. Nakaya nitong patumbahin ang mata-as na kaharian sa Dreaminiya nang tahimik!” Kumosyon nang isang lalaki na opisyal.

“Umalis ang mga kawal natin nang isang araw at dugu-an na bumalik ang iba. Sa entrada pa lang ng Dreamaniya marami nang kawal na naghihintay, Mahal na Hari. Kailangan natin mag handa, kamahalan !”

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now