Kabanata 27

136 9 0
                                    

KABANATA 27

“LUXE!” Napalingon si Luxe sa likuran niya. Nakita niya agad si Hiriku at Yheura na papunta sa kaniya.

Ngayon gabi ang takas nila papunta sina Nay Sora. Kasama ang dalawa. Nababahala si Luxe sa kahantungan nilang tatlo. Paano kung hindi sila makalabas dito? Paano kung makita sila nang kawal at parusahan si Hiriku?. Hindi niya gusto 'yon pero kailangan nila talagang umalis!  Kailangan na kailangan..

Ayaw niya na matali sa babaeng hindi ni Luxe mahal. May iba na siyang minamahal. Subalit hindi pa ito ang panahon para sabihin sa dalaga!

“Handa kana ba, Luxe ?” Bungad agad ni Hiriku sa kaniya. Desidido siyang umalis dito. Alam ni Ina ang plano nila at sang-ayon ito sa gagawin nila. 

Matiim na tumingin si Luxe sa kaibigan at tumango. Ang pinag-alala lang niya ay ang kapatid niya. Ayaw niyang maranasan nito ang kalupitan ng mundo nila pero alam niya. Alam na alam ni Luxe na protektahan ito ni Hiriku kahit anong mangyari.. 

“Kahit anong mangyari, Hiriku. Wag mong pababayaan ang kapatid ko.” Bilin niya sa kaibigan.

“Ako ang bahala sa kapatid mo, Luxe. Gagawin ko ang lahat maligtas lang ito”

Alam ni Luxe na gusto ng kapatid niya ang kaibigan pero sa nakikita niya sa mga mata ni Hiriku. Hindi lang gusto ang pinahiwatig nito. Sobra sa gusto ang nararamdaman nito sa kapatid niya. Naging alisto ang mga mata nila ng may mga kawal na papunta sa kinaroroonan nila. Mabilis na hinila ni Hiriku ang kapatid at nag-tago sa madilim na sulok.

“Imulat niyo ang mga mata niyo. Hindi dapat makatakas ang Princepe sabi ni Supremo” Rinig ni Luxe na sabi ng isang kawal.

Napatingin sila sa isat-isa ni Hiriku at kuno't ang noo.

Supremo?

“Alam namin 'yon, aheneral. Hindi po sila makakatakas” Puno nang determinasyon ang sinabi ng isa pang kawal.

Hindi ang mga ito ang kawal sa palasyo. Hindi rin alam ni Luxe na pinahintulutan ni Ama na pumasok ang ibang kawal dito.

Ganito na ba kasama si Ama para gawin niya ito sa amin?

“Kailangan na natin umalis. Marami na ang kawal na nasa labas” Bulong sa kanila ni Hiriku.

Kinuha ni Luxe ang sandata niya at maingat na naglalakad habang si Hiriku ay inaalayan si Yheura.

Napahinto at nag-tago ulit sila nang maramdaman ang yakap ng mga kawal papunta sa kinaroroonan nila. Agad at mabilis na pumwesto si Hiriku sa harapan at tinakpan nito ang bibig ng kawal. May tinamaan ito sa batok ng kawal para mawalan ito ng malay!

Magaling ang kaibigan niya sa pakikipaglaban at hinahanga-an niya ito minsan.

Unti-unti ay naging mabilis ang lakad nila. Nasa labas na sila nang palasyo pero malayo pa sa tarangkahan ng kaharian. Kailangan nila maka-labas agad!

“Marami sila, Luxe. Halos lahat sila ay kawal nang ibang bahagi na Hari!” Matigas na sabi ni Hiriku habang nakatingin sa paligid.

Tinaas ni Luxe ang sandata ng makita ang kawal sa likuran ng kapatid niya. Mabilis na pinatay niya ang kawal habang si Hiriku ay kinalaban ang dalawang natirang kalaban.

Hinila niya ang kapatid at nag-tago sa kwadra ng mga hayop.

“Hiriku, makakatakas paba tayo? Marami nang kawal sa paligid !” Hinawakan ni Luxe ang kamay ni Yheura. Puno ng takot at pag-aalala ang mukha nito habang nagmamasid sa paligid.

“Makakatakas—”

“Nandito sila! Dakpin sila kahit ano man ang mangyari” Sigaw ng isang kawal!

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now