PROLOGUE

5.9K 153 0
                                    

Bigla akong tumayo para sana lumabas at puntahan si Julie para humingi ng tulong pero hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng maramdaman kong may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

Ramdam ko ang hininga nito sa leeg ko dahil nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko alam kung bakit.

"You should sleep my lady" bulong nito na nakapanindig ng aking mga balahibo.

Bigla ko na lang naramdaman na hinalikan nya ako sa leeg at pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng hilo at parang bigla akong babagsak pero agad naman ako nitong sinapo.

Naramdaman ko na inihiga nya ako sa aking kama. Hindi ko pa rin makita ang itsura nito.

Parang unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

"Rest well sweetheart" sabi nya at bigla ko nanamang naramdaman ang halik nya sa akinh noo.

Parang pamilyar ang boses nya pero imposible.

Bigla kong nakit ang pigura nya na na nakatayo sa harapan ko pero nakatalikod sya.

Unti-unti na akong kinakain ng dilim.

Obsessed VampireWhere stories live. Discover now