Chapter 25: I hate Suprises!

3.8K 52 1
                                    

Chapter 25

 

( I hate Surprises! )

-----Clarence’s POV-----

Sinusuyo pa din ako ni Paolo, seryoso na ata talaga siya sa pagligaw sa akin.

 

“Girl!! Kelan mo sasagutin si fafa Paolo?” tanong ni Marie

Napakunot noo naman ako. “ ewan ko, bakit?”

“sagutin mo na kasi oh, seryoso naman na sayo.”

“sige ikaw sagutin mo para dalawa boyfie mo.” Sabi ko at tumawa pa ako.

Binatukan naman ako ng loka-loka

“aray naman..” sabahy himas ng ulo ko.

“hay nako, pakipot much.” Sabi ni marie

Break time na at kasama ko pa rin si Marie na kulang na lang magkapalit na kami ng mukha, eh halos magkadugtong na ata ang bituka namin.

Dumaan kami sa north quadrangle tapos..

Tapos..

Tapos..

Tapos umulan ng petals ng roses, sino naman kaya may kagagawan nito? At dito pa napiling magkalat ng petals?

Pero impernes maganda naman my pink, red, yellow, white, at orange..

 

“Marie!!” lumingon lingon ako..

 >__< nasan na si Marie?

Waaahhh nahiya naman daw ako, dahil pinagtitinginan na ako ng mga students na napapadaan dito.

Sana  bumuka na lang ang lupa at lamunin ako ng buong buo..

Kesa na mamatay ako sa hiya dito, ako lang naman kasi mag-isa nakatayo sa north quadrangle.

Bigla na lang din lumapit si Paolo sa akin,

Ugh! Don’t tell me siya may pakana ng kalokohang ‘to?

May dala pa siyang gitara at kinantahan ako.

Ni hindi nga nagregister sa utak ko ang kinanta niya, naiinis kasi ako dahil madami mga tao dito na kung makatingin sa amin eh wagas na wagas.

Kikiligin na ba ako sa lagay na ‘to?

Haaaayyyy pero siguro kung sa iba ginawa ang ganito eh naghysterical na sa sabrang kakiligan at baka himatayin pa dahil sa pagkagwapo-gwapong nilalang na nasa harapan ko.

My Korean Lover Boy (Completed)Where stories live. Discover now