EPILOGUE

6.3K 107 51
                                    

EPILOGUE

“You may now kiss the bride.” Anunsyo ng Pari.

Humarap si Matthew sa akin at humarap din ako sakanya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, at dahan-dahan akong hinalikan.

Ang halik na kailanman hindi ko malilimutan, ang halik na punong-puno ng pagmamahal.

Pumalakpak ang mga taong naging saksi sa kasal namin kasabay ng paghalik sa akin ni Matthew.

Ngayon naintindihan ko na ang lahat ng nangyari sa buhay ko ng mga nakaraang taon, dahil lahat ng iyon ay may dahilan pala talaga.

Parang panahon lang ang buhay ko, kahit gaano kalakas ang bagyo kagabi, kinabukasan sisikat din ang araw at magliliwanag ang kalangitan at mawawala na ang malakas na bagyo.

Hindi naman kasi parating may bagyo hindi ba?

Mas lalo kong naintindihan ang sinabi ko noon kay Matt.

‘Ang pagmamahal ay may kakambal na mahirap na desisyon ito ang PAGPAPARAYA.’

Dahil hindi basta basta umiikot ang salitang pagmamahal sa dalawang tao lang. Dapat isaalang-alang din  ang mga tao sa paligid, dapat piliin kung ano ang mas makabubuti para sa nakararami.

Pinakawalan ko man si Justine para sa magiging anak niya.

May dumating naman, at siya ang tamang tao na nakalaan para sa akin.

Siya ang ibinigay sa akin, siguro dahil siya ang mas kailangan ko sa buhay ko.

Sabi nga nila:

Hindi lahat ng gusto mo, nakukuha mo.

Hindi lahat ng gusto mo kailangan mo.

 

Pakawalan mo, may darating na mas karapat-dapat.

Ibibigay din niya ang mas kailangan mo.

 

Darating ang mas kailangan mo sa buhay mo sa tamang panahon..

 

---  

Gabi na at asa reception na kami ng kasal namin ni Matt.

Nagsasayaw kami ng lumapit ang hindi ko inaasahang tao na pumunta sa kasal namin.

Siya ay si..

..

..

..

Justine... si Justine Park..

Do I have to define who is he?

Hindi na diba?

“Pwede ko ba siyang isayaw?” tanong ni Justine kay Matthew.

Tumingin si Matthew sa kanya at ngumiti.

“Of course, you can dance my Wife.” Sabi ni Matt at iniabot ang kamay ko sakanya.

My Korean Lover Boy (Completed)Where stories live. Discover now