Chapter 52: The girl I despise

3.2K 35 6
                                    

Chapter 52

( The girl I despise )

3 weeks later

Tatlong linggo na ang nagdaan maayos naman ang lahat, and so far walang nagiging problema at ‘yon ang ipinagpapasalamat ko.

Hindi na rin namin pinag-aawayan si Matt dahil sa pagseselos ni justine. Naikwento ko na din sakanya about dun sa 2 years ago nung una kaming nagkita ni Matt. At first super duper nagselos talaga si Justine nung malaman niya na first love or puppy love ko si Matthew Hyung..

Pinaliwanag ko naman sakanya na wala na yun dahil siya na naman ang mahal ko ngayon.

Tuwing weekend dun ako sa bahay ni Justine natutulog at syempre tulad ng dati magkaiba ng kwarto ^o^

Andun na din sina manang Rosa pati yung ibang kasambahay dahil nga sa condo na talaga ako nag-stay.

At dahil weekend ngayon andito ako sa bahay niya.

Nanunuod kami ng tv.

“Beb, tulog tayo?” sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

Tinaasan ko siya ng kilay “Tse! Magtigil ka nga dyan!”

Napangiti naman siya. “Sige kung ayaw mo ako na lang matutulog.” Pagkasabi niya nun ay naghiga siya at umunan sa lap ko.

Hinayaan ko na lang siya.

Pinaglalaruan niya din ang kamay ko na hawak niya habang nakapikit siya.

 

“Beb do you want to marry me?” out of nowhere bigla niyang tanong.

Minulat niya ang mata mata niya at tumingin sa akin.

Seryoso siyang nakatingin sa akin.

“Of course after we graduate.”

Sumimangot naman siya at umaktong parang bata na naiiyak.

“Why not now?” pagmamaktol niya.

Ngumiti lang ako .”Kasi bata pa tayo.”

Then I leaned down to kiss him.

Malapit ng magkadikit ang mga labi naming ng...

Istorbo..

Biglang tumunog ang cellphone ko, kaya naman lumayo ako bigla sakanya.

Dinampot ko ang phone sa side table malapit dito sa kinauupuan ko.

I heard Justine sighed.

“Who’s that?” tanong niya na halata ang pagkainis sa tono ng boses niya.

Tinignan ko ang screen ng phone ko..

Unregistered number..

“ewan.” Sabi ko.

My Korean Lover Boy (Completed)Where stories live. Discover now