Chapter 43: Evil plan, Drunken love, and Broken heart [Part II]

3.2K 43 8
                                    

Chapter 43

 

( Evil plan, Drunken love, and Broken heart part II )

 

---Clarence’s POV---

Dumaan ang mga araw nainis na inis  pa din ako kay Justine lalo na sa bruhang si Krizza pero pinili ko na lang manahimik at wag na lang banggitin pa ang nalalaman ko na ex-Girlfriend niya pala si Krizza. I trust him naman eh but I don’t trust Krizza.

Tutal parte lang naman siya ng nakaraan ni Justine.

Nakaraan na pilit bumabalik ngayong kasalukuyan.

*sigh*

Nagulat na lang ako ng may biglang tumawag kay Justine sinagot naman niya ang phone niya. Napatingin na lang ako sa kanya. Tinanong ko kung sino yung tumawag si Bryan daw at magkikita raw sila.

Hinatid niya na muna ako sa bahay bago siya makipagkita sa bestfriend niyang si Bryan.

Pagpasok ko pa lang may masamang hangin na agad ang bumungad sa akin.

Sino pa nga ba?

Edi ang...

Bruhang si Krizza.

Tapos tinanong agad sa akin si Justine. The hell!! Nakakainis talaga siya. >___<

Umakyat na lang ako sa loob ng kwarto ko.

Christmas vacation na din pala kaya araw-araw may date kaming dalawa ni Justine >///< hihihi kinikilig pa din ako sa mga sweets moments namin.

Alam niyo yun ang Prince Bugnutin ay naging over sa kasweetan hahaha

Minsan halos mamatay ako sa kilig sa mga ginagawa niya ^___^

At syempre mas lalo akong natutuwa kapag naiinis si Krizza sa aming dalawa ni Beb <3

Ang reaction niya napakapriceless.

** Flashback **

Sabi ni Justine magdate daw kami at gusto niya sa amusement park.

Kasi hindi pa raw siya nakapunta sa mga ganung lugar.

Ako naman natawa na lang kasi akalain mo yun andaming magandang amusement park sa Korea tapos hindi man lang siya nagpupunta dun. Hindi ko maimagine ang childhood niya kung paano ba siyang lumaki ng hindi man lang nagpupunta sa mga ganung lugar. Ang boring pala talaga ng buhay niya hihihi.

Kaya naman pinagbigyan ko siya.

Asa sala kami ng mapansin kami ni Krizza.

“Saan kayo pupunta?” tanong niya. Ano siya nanay namin? Tatanong tanong pa -___-

 

My Korean Lover Boy (Completed)Where stories live. Discover now