Chapter 49: New year without Clarence

3.4K 37 20
                                    

Chapter 49

( New year without Clarence )

 

--Clarence’s POV--  

Ilan minuto na lang at new year na.

Okay na naman ako nitong mga nakaraang araw dahil andito naman palagi sa tabi ko si Matt. Hindi ko alam kung bakit napaka-caring niya sa akin o imagination ko lang yun?

Basta nagpapasalamat ako sakanya, ang swerte ng magugustuhan niyang babae.

Eh ako? Swerte na ako kay Justine? Naalala ko na naman siya.

Ano kaya ginagawa niya ngayon?

Sino kaya ang kasama niya?

Kamusta na kaya siya?

Hinahanap pa rin kaya niya ako?

O baka naman masaya na sila ni Krizza ngayon??

Uwaaaaahhhh!! Justine ko wag mo ako ipagpalit sakanya.

Pero ano pa nga ba? Hindi ba pinagpalit mo na naman na ako sakanya? Simula ng may nangyari na....

“Oh? Okay ka lang ba?” biglang tanong ni Matt na nagbalik sa naglalakbay kong utak sa Jupiter.

Andito kami ngayon sa  rooftop ng Hotel nila.

May mangilang ngilan din empleyado at mga guest nila ang andito.

 

“Yeah, Hyung first New year natin na magkasama.” Sabi ko para maiba ang usapan.

Ngumiti lang siya at tumingin na ulit sa kawalan, napatitig na lang ako sa kanya, side view lalong nakikita ang napakatangos niyang ilong, gwapo siya, kinakabisado ko ang bawat parte ng mukha niya gaya ng ginawa ko nung una ko siyang nakita sa Korea, naalala ko tuloy kung ano naramdaman ko noon.

Love at first sight ata talaga. Natatawa na lang ako sa tuwing naiisip ko yun.

Puppy Love lang siguro o di kaya naman infatuation lang.

Hindi ko alam basta kahit isang bese ko lang siyang nakita noon ay malaki ang naging epekto niya sa akin.

Aaaaaahhh!! Erase erase kung ano ano naiisip ko.

/(-___-)\

Tinapik ko na lang ano noo ko para bumalik ako sa katinuan.

“Oh bakit mo ginawa yun?” takang tanong ni Matt, siguro na wiwirduhan siya sa akin.

 

“Ah wala lang he-he-he.”

Nagsimula na ang countdown

5...

4...

3...

2...

1..

My Korean Lover Boy (Completed)Where stories live. Discover now