CHAPTER 11- First Date?

844 27 3
                                    


JOSEPH

I've dated so many girls before pero yung pakiramdam ko ngayon parang first date parin, ewan ko ba. Siguro dahil sa especial talaga siya. Hindi kasi siya tulad ng ibang babae eh, hindi siya maarte sa lahat ng bagay even the way she dresses. She's simple yet stunning. OA ba yung description? Hehehe yun kasi talaga impression ko sa kanya. Kanina nga paglabas niya ng gate ng bahay nila parang literal na nag slowmo yung oras. Ang ganda kasi ng ngiti niya. Partida naka blouse, jeans and sneakers lang siya, pero iba talaga yung dating niya sa akin.

Papunta kami ngayon sa Ocean Park. Nabanggit kasi sa'kin ni Franz na mahilig sa dagat tong si Anne at amaze na amaze daw siya sa mga sea-creatures, kaya I decided na dun siya dalhin.

Ay oo nga pala I bought a coffee for her, her favorite coffee to be exact. Since nasa side ko lang yung coffee ay kinuha ko iyon at ini-abot sa kanya habang nag didrive ako. Parang nagulat pa nga siya eh, haha ang cute lang ng expression.

"Thanks. Saan ba tayo pupunta?" tanong niya sakin pagtapos niyang uminom ng kaunting kape.

"Malalaman mo din pag dating natin dun, I'm sure mag-eenjoy ka." tinignan ko lang siya saglit tapos ay ibinalik ko na din sa daan iyong tingin ko. She really makes me smile.

"Ocean Park!" she said with a very sweet and genuine smile pagka-baba namin ng sasakyan.

"I really love this place" sabi pa niya habang hindi mawala ang ngiti sa mga labi.

"Really? That's great!" I said with a smile habang naglalakad patungo sa entrance.

Bago kami makarating sa pinaka entrance ay kailangan muna naming dumaan sa ilang steps ng hagdan. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para maalalayan siyang umakyat.

"Thanks" Usal niya habang nakangiti pa din.

"Ready to have fun Ms. Miranda?" tanong ko sa kanya habang naka ngiti, yung ngiti na nakakatunaw ng puso. Hahah ang yabang ko ba? Hindi naman masyado, I just know my strength.

"Ready as always Mr. Wong!!" sabay salute pa. Ang cute talaga niya, yung tipong nakakatakot siyang ilabas kasi baka maagaw ng iba.

Since I already prepared everything for this date, meron na kaming tickets so di na kailangan pang pumila.

First stop. Oceanarium.

Halos lahat ata ng may isda pinuntahan niya tapos makikita mo talaga sa mata niya na masaya sya. Literal na nagniningning eh.

Tapos pagtapat niya dun sa isang aquarium na may parang itlog ng isda tumingin siya sakin sabay ngiti, hindi ko namalayang nakangiti na din ako. Napailing nalang ako at tuluyan ng napatawa.

Kinuha ko ang phone ko at palihim siyang kinunan ng litrato, sakto pa sa pag ngiti niya iyong pag kuha ko. Ang ganda ng kuha. Naka side view sya tapos yung background yung aquarium.

"Hey! Dun tayo sa tunnel bilis!" Aya niya sabay hila sakamay ko.

"Wow ang ganda talaga dito!" Bulalas niya habang nakatingala at sinusundan ng tingin ang isang napaka laking stingray.

"Oo nga ang ganda mo!" Wala sa loob na usal ko habang nakatitig sa kanya. Nabalik lang ako sa reyalidad ng sumagot siya habang nakangiti pa.

"Alam ko. Hahaha." Nakangiting sagot niya. Shit, bakit feeling ko nag blush ako dun? Napailing na lang ako at bahagya pang napakamot sa batok ko.

Maya-maya, habang nakatingin siya dun sa mga isda, nagulat ako ng bigla siyang umatras at mapaupo habang tila takot na takot at hirap huminga. Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa harap niya.

The KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon