CHAPTER 4 - Babe ...

1.3K 41 4
                                    


ANNE

"Oh Franz, ba't ngiting ngiti ka d'yan? Sino ba kausap mo?" tanong ko kay Franz, wagas kasi sya makangiti, halos umabot na sa tainga iyong ngiti niya.

"Wala naman, yung prince charming mo kasi tumawag, tinatanong kung kumain na tayo." Sagot nya sakin, pero di parin mawala yung ngiti nya.

"Oh eh ano namang koneksyon noon sa pag ngiti mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Eh sa kinikilig ako eh. Ikaw, kung di pa natin makikita ulit si Joseph, 'di mo sasabihin na kayo pa din. Nakakatampo ka, alam mo yun! Kaya pala hindi ka nag papaligaw, all those years kayo pa din pala." Litanya niya habang parang tangang nakangiti sabay simangot sabay ngiti ulit.

"Actually, Franz, di ko talaga siya boyfriend." Paunang sambit ko sa kanya. Balak ko nang sabihin sa kanya ang totoo.

"Weh? Joke time? Eh pinag sigawan na nga niya nung nakaraan sa Office nila eh. Tsaka sabi mo din diba?!" Hindi pa man ako natatapos sa pag sasalita ay sumingit na agad siya. Sigh, as expected.

"Pwedeng tapusin ko muna sinasabi ko?!" kunyaring irita na tanong ko sa kanya.

"Hehe, go on." Nakangiting pahayag nya.

"Well ganto kasi yun, never talagang naging kami." di pa man ako natatapos ay sumingit uli sya.

"Weh?" putol nya. Sigh, di talaga mapigilang di mag react. Tinignan ko lang siya, kaya di na siya ulit nag salita.

"Naaalala mo ba yung dati na na issue na nililigawan niya ko?" paunanh pahayag ko, at ikinuwento ko na ang lahat lahat ng pangyayari, that I'm just returning the favor sa pag tulong niya sa akin noon sa pag takas sa isang manliligaw ko.

"Ay, akala ko pa naman kayo talaga. Sayang!" parang bigla syang nalungkot nung pag kakwento ko sa kanya ng mga pangyayari. Kanina grabe sya makangiti, ngayon, para siyang nalugi. Bakit parang mas apektado pa 'tong babae na 'to kaysa sa akin? Napailing nalang ako.

"Anong sayang dun? Ikaw talaga." Pero sa totoo lang, a part of me is saying na sana totoo nalang yun. Hehe. Well he's my secret crush kaya medyo speechless ako pag kausap ko siya. Kaya lang he's Mr. Popular.

"Asus, kunyari ka pa. Gusto mo din naman si Mr. Wong eh." Pang aasar sa akin ni Franz, alam nya kasi dati na may crush ako kay Joseph.

"Hindi kaya! Alam mo namang ayoko sa mga Mr. Popular. Masyado maraming nakatingin. Masyadong magugulo ang buhay ko pag nag kataon." Tanggi ko sa kanya.

"Ayan ka na naman eh, hindi naman lahat ng popular eh katulad ng tatay mo mag-isip! Sigh, paano ka makakahanap ng lovelife niyan kung lagi kang ganyan." Ani Franz.

Nalungkot naman ako bigla kasi napasok na naman sa usapan yung papa ko.

Nang mapansin ni Franz, na bigla akong sumimangot ay nag sorry naman sya agad. "S-sorry, hindi naman yun yung intension kong sabihin eh."

"Okay lang. Tama ka naman eh. I know, you're just concern about me." Sagot ko sa kanya. Ayoko namang ma guilty siya sa isang bagay na hindi naman niya kasalanan.

Well, ayaw ko lang kasi talaga pag usapan yung papa ko. Kahit siya ang nag papaaral sa akin ngayon eh hindi naman ganun kaganda yung relationship namin.

"Anyways, may klase na ko Anne, so una na ko. Wag mong kalimutan bukas may interview tayo, 7PM. Kita nalang tayo after ng class mo tomorrow." Matapos mag paalam ay umalis na din agad si Franz.

The KeeperWhere stories live. Discover now