CHAPTER 16 - Meet the new Prof

113 7 14
                                    

A/n: Andrew on Media

CHAPTER 16 – Meet the new Prof

Matapos kong makalabas ng ospital ay sa bahay ko kami umuwi ni kuya Andrew, at makalipas ang isang araw ay pinayagan na din niya akong pumasok.

Pag katapos kong mag ayos bumaba na ko para makapag almusal. Sa may kusina ay nakita ko si kuya na nag hahain ng almusal at nakabihis.

"Mukhang may lakad ka kuya ah?" tanong ko sa kanya habang paupo sa hapag.

"Ihahatid kita." Nakangiting sagot niya.

"Huh?! wag na! Ayoko nga! Kaya ko mupasok mag isa." Sunod sunod na tanggi ko sabay subo ng hotdog na nakahain sa lamesa. Mahirap na baka mabuko pa ko sa school.

"Doon din naman ako pupunta kaya sabay na tayo. Wag ka na umangal okay? Tsaka di mo man lang ba na miss ang kuya mo?" Usal niya habang nakatunghay pang naka tingin sa akin.

"H'wag ka nang pumunta sa school dahil baka pagkaguluhan ka pa doon, mapaaway na naman ako!" reklamo ko sa kanya. Sikat na artist ang kuya ko, visual artist to be specific, he's a world renowned muralist, sculptor, and film director. Bukod pa doon, hindi lingid sa akin na marami ang umiidolo sa kanya dahil bukod sa sikat siya, mula sa mayamang angkan, may pinag aralan, ay di hamak naman na mas gwapo ang kuya ko kumpara sa ibang sikat na iniidolo ng mga kabataan ngayon sa TV.

"Ikaw talaga ang selfish mo! Ayaw mo ko ishare. Hahaha." Tuwang tuwa sa galak na pahayag ni Kuya. Gustong gusto niya talagang pinupuri ko siya. Sigh.

"Eh, sa ayoko eh. Bakit ba?" sagot ko sa kanya habang bahagya pa siyang inirapan. Siyempre joke lang yun. Baka hunting-in ako ng mga babaeng nagkaka gusto kay kuya at sunugin ako ng buhay pag nalaman nila.

"Hah, sige na, bilisan mo na d'yan baka malate pa tayo. Huwag ka na mambola diyan." Natatawang paalala ni kuya.

"Nakiki tayo eh, diyan ka na nga mag aayos lang ako ng maka alis na."

Pag tapos kong mag ayos ay dumiretso na ako sa labas at nakita si kuya na nakasakay na sa kotse niya kaya sumakay na din ako.

Di pa kami nakakalayo ay may nakasalubong kaming pamilyar na kotse at noong halos katapat na namin iyon ay di ko maiwasang mapatingin sa nagmamaaneho ng kotseng iyon.

Nagkatitigan kami saglit at biglang kumabog ang dibdib ko.

Hindi ako pwedeng magkamali, si Joseph yun.

Susunduin nya ba ako?

Tumingin ako sa side mirror at nakitang pumihit yung kotse niya at ngayon ay kasunod na namin.

Kinabahan ako bigla. Paano pag nakita niya si Kuya? Kilalang tao si kuya kaya imposibleng 'di niya to makilala. Anong gagawin ko?

"Ahm ... kuya, bilisan mo mag drive may sumusunod satin. Bilis!" iyon nalang ang naisip kong paraan para 'di niya kami maabutan.

Tumingin si kuya sa rear view mirror at walang sabi-sabing binilisan ang pag mamaneho.

+++

JOSEPH

Papunta ako ngayon sa bahay nila Anne para sunduin sya. Balak ko sana siyang sorpresahin dahil medyo matagal na din noong huli kaming nagkita.

Nang malapit na ako sa bahay nila ay may nakasalubong akong kotse. Hindi ko alam pero noong tumapat iyong sasakyan ko sa sasakyan nila ay parang may nag udyok saking tumingin.


Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.
The KeeperNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ