CHAPTER 1 - We Meet Again

2.4K 61 0
                                    

"Hello? O, bakit napatawag ka?" Sagot ni Ana matapos kunin ang mobile phone niya mula sa bag habang naglalakad patungo sa cafeteria ng kanilang unibersidad.

" Anne free kaba mamaya? Punta tayong Q City." Sagot ng nasa kabilang linya. Si Franz kaibigan ni Anne at kapwa mag aaral ng isa sa pinaka matandang unibersidad sa Pearl Country.

"Anong oras ba? May klase pa kasi ako hanggang 4pm." Muling sagot ni Ana sa kausap.

"Okay. Daanan nalang kita sa campus mamaya after ng klase mo." Yun lang at pinutol na din ni Franz ang linya.

Si Ana Corina Miranda o mas kilala bilang Anne sa kanyang mga kaibigan, ay isang 4th year college student sa isang unibersidad sa Main City, nag iisang anak ng ama-amahang nasa abroad at inang may iba ng pamilya. Mag isa siyang nakatira sa bahay na binili ng papa nya. Paminsan minsan sinasamahan sya ng kanyang mga kaibigan pero madalas mag isa sya. Nag papart time sya minsan sa mga bar at grill restaurant bilang bartender, trabahong malayo sa kursong kinuha nya. Sinusuportahan ng papa nya ang kanyang pag aaral ngunit madalas ay kinukulang iyon kaya kung ano anung raket ang ginagawa nya para matugunan ang iba pa nyang mga gastusin sa bahay.

Matapos ang klase nya ng hapong iyon ay sinundo na nga sya ng kaibigan nya.

"Franz, ano ba gagawin natin sa Q City?" tanong ni Anne sa kaibigan.

"Basta! Raket to. Sama ka nalang." Nakangiting pahayag ng kaibigan.

"Talaga? Sige go ako dyan!" Masiglang sagot muli ni Anne.

Dahil wala silang sasakyan na dala ay sumakay sila ng jeep. Medyo mahaba ang biyahe kaya madilim na nang makarating sila sa Q City. Pag baba nila ng jeep ay lumakad pa sila papasok sa eskinita. Doon ay nakita nila ang ilang kalalakihang nakaitim na tila may meeting dahil kumpol kumpol sila kung mag usap. Tumigil sa pag lakad si Franz sa tapat ng isang mataas na gusali at sumulyap kay Anne. Hudyat na naroroon na sila.

"Nandito na tayo! Tandaan mo Anne, smile!" sabay ngiti habang marahang sumulyap kay Anne si Franz.

"Okay!" sabay ngumiti din pagkaraang sumagot sa kaibigan. "Anong klaseng trabaho ba tong papasukan natin?"

"Call Center!" sabay ngiti sa kaibigan. Alam kasi ni Franz na pag sinabi nya agad sa kaibigan kung ano ang papasukan nila ay hindi ito sasama.

"Huh?! Franz alam mo namang maiksi pasensya ko at di ako magaling mag manage ng stress. Ayoko, ikaw nalang." Sabay talikod sa kaibigan.

"Eh kaya nga di ko sinabi sayo kaagad kasi alam kong di ka sasama." Nakangiti pa rin sa kaibigan. "Kaya naman ikaw ang sinama ko kasi alam ko namang kailangan mo ng extra income ngayon at saka kaylangan ko lang talaga ng kasama, nahihiya kasi ako. Sige na naman Anne. Please .." at tuloy na nga ang pag papaawa nya na alam nyang bentang benta sa kaibigan nya. Alam nya kasi na kahit gaano ka ayaw ni Anne basta para sa kaibigan ay hindi nya matiis na gawin nalang din.

"Sigh, sige na nga mukhang wala naman akong choice eh, at saka ano pa nga bang magagawa nandito na tayo sayang ang pamasahe." pag ka-usal ay ngimiti na rin sa kaibigan at tinungo na ang pasukan ng gusali.

Matapos ang mahigit isang oras, pareho silang nakapasa sa initial interview.

Maalam naman kahit papaano si Anne. Hindi bumababa sa 2 ang grado nya simula ng bumalik sya sa pag aaral. Napatigil kasi sya sa pag aaral ng isang taon dahil sa problema nya pang pinansyal. Sinubukan nyang mag full time sa gabi at mag aral sa umaga ngunit sobrang nasakripisyo ang kanyang pag aaral kaya tumigil nalang muna sya. Makalipas ang isang taon ay sinuportahan ulit sya ng kanyang ama kaya nag patuloy sya sa pag aaral at pinangako sa sariling pag bubutihin na ang pag aaral at kahit anong mangyari ay hindi na isasakripisyo ang pag aaral. Kaya naman kahit may mga part time jobs sya ay sinisiguro nyang napangangalagaan pa rin nya ang kanyang pag aaral.

The KeeperNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ