CHAPTER 8 - Andrew Chua

985 37 4
                                    

Andrew Chua on Pics.

+++

ANNE

Ilang araw na din ang nakalipas matapos yung habulan scene na yun. Ayoko na maalala, dahil dun nawala wallet ko. Laki tuloy ng problema ko. Paano kung may makakita nung picture namin nila papa. Tsk. Patay ako. Sana hindi nila mapansin yun. Sana lang talaga. Haay kaya lang wala tuloy akong pera. Andun yung mga cards ko, sabagay madali lang yun napa cancel ko na yung accounts ko dun. At in one-week time mapapalitan na ulit yung mga yun, kaya lang yung mga IDs ko ang hirap pa naman kumuha ulit nun.

Pero buti nalang talaga nakatakas ako. Akala ko talaga katapusan ko na. buti nalang si Andrew yung naka kita sa'kin. Sobrang miss na miss ko na sila pero alam kong mas mabuti na manatili akong si Ana Miranda. Sigh. Naalala ko na naman ang mga pangyayari nang gabing yun.

Nang may humila sa kin, akala ko katapusan ko na talaga kaya pumikit nalang ako pero seconds passed pero walang nangyari kaya buinuksan ko nalang mata ko.

When I opened my eyes. I saw him. Smiling at me. And then he hugged me.

I hugged him back. I so missed this guy.

I so missed him. Pero kung nandito siya malamang sa malamang may makakilala saking iba. Delikado, kaya kumalas na ko sa pag kakayakap sa kanya kahit sobrang miss na miss ko na sya. Sila.

"Kaylangan ko nang makaalis dito!" nag mamakaawa yung tingin ko, kasi alam ko pipigilan niya ko umalis ulit.

"Why?" tanong nya, kita kong nalulungkot sya.

"Well, I kind of got into a fight so now they're looking for me. And a friend is waiting for me outside." Paliwanag ko.

"Did you sneak here to see us?"

Gusto kong sabihing oo kahit coincidence lang na nandito ako ngayon, para lang hindi mawala yung ngiti niya, kaya lang pag sinabi ko yun baka hindi na niya ko paalisin.

"No. It was just a coincidence."I plainly answered.

"Sigh. Bakit kasi ginagawa mo to?" ramdam ko yung lungkot sa boses nya.

"Andrew, I need to do this. It is for everyone's good. For you, for him, and for your mom." Hindi na ako makatingin sa kanya. Baka kasi di ko na mapigilan maiyak pa ko.

"You even call me by my first name. Tss. Kinalimutan mo na talaga kami." I can sense the anger and helplessness in his voice.

"I need to. You know my reasons. Ayoko ng gulo. Please Andrew, I need to go." Tatalikod na sana ako, pero pinigilan niya ko. Kaya napaharap ulit ako.

"I love you both, so much, I need to do this because I love you both. Tell him I love him." Tumalikod na ulit ako. Hindi ko na kaya tutulo na yung luha ko.

"Corina!!" Napahinto ako. Pero di na ko tumingin.

"Ihahatid na kita.Puntahan natin yung kaibigan mo tapos ihahatid ko na kayo. Please." Pag katapos niyang magsalita, hindi ko na talaga napigilang tumulo ang luha ko. Tuloy tuloy sa pag agos, parang gusto kong iiyak yung mga panahon na hindi ko sila nakita. Hanggang sa hindi ko na namalayan lumalakas na yung iyak ko. Naramdaman ko nalang na inilagay nya yung coat nya sa balikat ko, at bahagyang tinapik tapikt yung ulo ko. Katulad ng lagi nyang ginagawa tuwing umiiyak ako noon.

"Wag ka mag alala hindi ko sasabihin sa kaibigan mo kung sino ka sa buhay ko. Tss. Iyakin." At hinayaan ko na siyang ihatid ako.

The KeeperTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang