CHAPTER 6 - It's Her Fault

1.1K 34 5
                                    


MIGS

"Nakakaasar ngayon pa ako kinabahan, as if naman first time kong tutugtog." Bulong ko habang nagsisindi ng sigarilyo at kinakalma ang sarili.

"Aaaahhh"

Napatingin ako sa pinanggalingan nang sigaw. Nakita ko ang isang babae na tumalon mula sa pader patungo sa kinatatayuan ko. Dahil sa reflex ay iniangat ko ang mga kamay ko para saluhin siya pero huli na ang lahat at bumagsak na siya sa kinatatayuan ko.

Sobrang bilis ng pangyayari. Natauhan nalang ako nang maramdaman ang sakit sa kamay ko.

Nang idilat ko ang mga mata ko, Nakita kong nakadagan sa dibdib ko iyong babae habang naka kalang sa balikat ko ang dalawa niyang kamay. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa baywang niya habang isa pa ay nadadaganan ng isa niyang paa.

Muli kong ibinalik ang paningin ko sa babaeng nakadagan sa akin at kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa lapit ng mukha niya. Ilang segundo pa muna ang lumipas bago siya natauhan at nanlalaki pa ang mga mata at napasigaw.

"Aaaaaahhhhh" Sigaw niya, tapos ay mabilis na siyang tumayo sa pagkakadagan sa akin.

"Aaaahhhh" Sigaw ko matapos niyang sumigaw at maramdaman kong lalo niyang nadiinan iyong kamay ko habang tumatayo siya.

"Sino ka? Bakit sa bakod ka galing? Gate crasher ka 'no?" sunod-sunod na tanong ko habang iniinda ang sakit ng kanang kamay ko. Iyong nadaganan ng pesteng babaeng to.

"Teka lang, hindi ako gate crasher..." aba at sasagot pa talaga! Huling huli na nga. Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Eh bakit sa bakod ka dumaan?" nakatitig lang ako sa kanya. Medyo madilim dito sa pwesto namin pero aninag ko pa din ang mukha nya. Parang may pasa ata siya sa may bandang gilid ng labi nya. Tapos napansin ko din kung gaano kapula ang labi niya. Damn! What the hell am I thinking?

"Teka nga sabi, mag papaliwanag ako! Ayaw mo kasi ako patapusin eh." Irita nang sagot nya. Wala sa loob kong napa ngisi nang makita siyang naiirita.

"May humahabol sakin, nasa harap sila ng gate kaya dito ako sa likod duma-" hindi na niya tinapos yung sinasabi niya tapos bigla syang tumakbo.

"Teka lang! San ka pupunta? Miss...!" balak ko sanang habulin eh, kaso tinatamad ako tumakbo kaya hinayaan ko nalang siya. Aalis na rin sana ako pero may napansin akong kung ano sa lapag. Wallet. Siguro sa kanya to. Pinulot ko iyon at ineksamin ang laman. 

Nung binuklat ko yung wallet nya. I saw IDs. May ATM cards, Debit cards tapos may Credit card pa. Nakakapagtaka lang na magkaiba ang pangalan na nakalagay sa ID at sa isa sa mga debit card at credit card niya. One with Ana Miranda, the same name with her ID and the other is Ana Corina Chua. Is she a fraud or something?

Muli akong humugot ng isa pang ID, aba pag kakataon nga naman, pareho kami ng university na pinapasukan. Napangisi nalang ako.

"Ana Miranda pala ah. Humanda ka sakin."

"Sir, kayo na daw next. Pinapatawag na po kayo sa backstage." Titingin pa sana ako sa iba niyang ID ng may lumapit sa aking lalaking nakaitim. Inilagay ko sa bulsa ko iyong wallet niya at sumunod na sa staff patungo sa backstage.

Habang nasa backsatage kami, naramdaman kong medyo masakit pa din yung kamay ko.

"Migs, okay ka lang? Mukhang kanina mo pa hawak yang kaliwang kamay mo ah." pansin sa'kin ni Rico.

The KeeperUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum