CHAPTER 5 - Takbo!

1.2K 45 2
                                    


BELINDA

Sumabay akong kumain kay Joseph pero hindi ko inaasahang kasama din pala ang ibang staff. Wala na din naman akong magawa pero atleast katabi ko siya sa upuan. Simula kanina, hindi pa din niya ako kinakausap. Sabagay halos wala naman syang kinakausap, kung hindi nga kami sa iisang table kumakain aakalain mong hindi nya kami kakilala eh.

Paglabas namin ng resto, naglakad kami pabalik sa building since katapat lang naman. Si Joseph kausap yung secretary niya tungkol sa business meetings and other schedules niya. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya at nag hihintay ng pagkakataon na makausap siya.

Habang patawid kami nahagip ng mata ko yung mga lalaking nakaitim na nag-uusap sa harap noong convenient store na katabi lang mismo ng building namin. Napahinto ako saglit at tinitigan sila. Sakto napaharap sakin yung isa at nginitian ako.

"Sabi ko na nga ba kilala ko to eh. Tauhan to ni dad!" bulong ko sa sarili ko.

Nung akmang lalapit sila sa akin ay naglakad na ko papasok ng building at mabilis na humabol kila Joseph papasok.

"Sinong tinitignan mo dun?" tanong sakin ni Janram, isa sa mga employee namin nung makapasok na ko sa elevator.

"Ah wala, I thought I saw someone I knew." Nakangiting sagot ko sa kanya at palihim na tinignan ang reaksyon ni Joseph. Mabuti nalang at tila hindi naman siya naghinala.

Nang makarating na ako sa opisina ko ay agad kong in-email si dad. Kailangan kong malaman kung bakit nandirito ang mga tauhan niya.

+++

ANNE

Matapos ang klase namin ay agad akong sinundo ni Franz. Naglalakad kami ngayon sa may mini garden palabas ng campus pero etong si Franz ay parang tanggang nag momonologue.

"Huy! Ano ba, para kang tanga dyan!" sinigawan ko na sya. Para kasing tanga, nag sasalita mag-isa tinatanong niya sarili nya na kunwari interviewer tapos sinasagot niya din sarili nya na parang interviewee.

"Bakit ba? Eh sa gusto kong i-practice yung isasagot ko mamaya eh. Para naman magka trabaho na ko. Alam mo naman gipit ako ngayon." Aba at inirapan pa ko ng gaga.

"Bakit kasi kaylangan mo pa ng trabaho eh pwedeng pwede ka namang manghingi sa daddy mo!" tama, mayaman sila. Ewan ko ba sa gagang to 'bat nag hahanap pa ng trabaho. Haha. Kung makapag salita ako eh no, pareho lang naman kami. Kung tutuusin di ko na din naman kaylangang mag part time jobs, kung ginagamit ko lang yung allowance na binibigay ni papa. Kaya lang I have deeper reasons bakit kaylangan kong gawin to.

"Eh kasi nga, ayaw nila dagdagan allowance ko, di ko tuloy mabili mga gusto ko, di ako makapunta sa mga gusto kong puntahan. Eh ikaw nga din dyan eh. Di ba mayaman din naman papa mo, nasa ibang bansa pa nga eh." Sagot niya sakin habang nakapamaywang.

"Eh alam mo namang war kami ni papa eh. Tsaka ayakong umasa sa kanya." Well that was partly a lie. Hindi naman talaga kami mag ka aaway ni papa, tsaka wala siya sa ibang bansa. Nandito lang siya sa Pearl Country, sa totoo lang, kilalang tao ang papa ko, hindi ko lang sinasabi sa iba kasi nga I have deeper reasons, masyado rin kasing kumplikado ang buhay ko.

"Sus! Kaya galit ka din sa mga oh so popular na guys. Kasi galit ka sa papa mo!." Mataray parin niyang sagot sa'kin. Iba kasi yung pag kakaintindi niya noon noong sinabi kong popular si papa. Akala niya popular lang din sa school. Hinayaan ko nalang siya sa belief nyang yan. Mahirap din kasi mag paliwanag sa isang to eh. Actually, the mere reason bakit ayaw ko sa mga popular na tao, ay dahil ayoko ng mas kumplikadong buhay. Syempre pag popular yung dinidate or sinasamahan mo mag kakaroon ka ng maraming haters tapos uungkatin nila buhay mo para mag hanap ng ikakasira mo. Natatakot lang ako na malaman nila yung totoong pagkatao ko. Mahirap na baka maulit uli yung pangyayari dati. Baka di na kayanin ni papa at mama, parepareho pa kami mabura sa mundong 'to.

The KeeperDonde viven las historias. Descúbrelo ahora