Chapter 10

2 0 0
                                    

Chapter Ten
Protect You

I've tried to search for her, like I'm going crazy if I can't find her now. It's been 24 hours since I am looking for her. I've been everywhere and even used my influence para makausap ko iyong tatlong humahabol sa kaniya noon nang mabangga niya ang kotse ko. But still there's no Ember.

Kahit hindi ako sigurado kung siya nga iyong babae, malakas ang pakiramdam kong siya. The voice is really familiar yet I can't recognized if it's really her. Magkaboses din kasi sila ni Georgina, I'm fck up.

Agad kong iniliko ang kotse ko sa isang kanto malapit sa isang convenience store. Huminto ako roon at akmang papasok nang mahagip nang mga mata ko mula sa gilid ang pamilyar na pigura ng dalawang tao. Hindi na ako tumuloy sa pagpasok sa loob.

Mas lalong umigting ang panga ko nang makitang hawak hawak ni Lortham si Ember sa collar ng damit nito. She's just wearing a simple white V-neck shirt, damn. Pagkalapit ko ay agad kong inihiwalay si Lortham sa kaniya.

"Oh, bro bakit nangingialam ka?" maangas na tanong ni Lortham sa akin. "Don't talk to me like that. Kuya mo pa rin ako, mas matanda pa rin ako sa iyo" seryuso kong tugon. Agad ko siyang tinalikuran at pinasadahan ng tingin si Ember na alam kong nagulat sa nangyari dahil namumula na ang mga mata niya. Paiyak na siya.

Mas lalo akong nakaramdam ng inis lalo nang muling magsalita si Lorthan. "Stop protecting her okay? This is all her fault!" aniya sa tonong naiinis na rin. Hinarap ko siya na may nanlilisik na mga mata. Hinawakan ko siya sa kuwelyo "then tell me the truth. Anong nangyari sa akin? Bakit mo, niyo siya sinisisi sa lahat??" sigaw ko sa mismong mukha niya.

"Tsk!" singhal niya. Nginingiti-ngitian niya pa ako nang mapang-asar habang tumatagilid tagilid ang mukha niya. Mas lalong nag-init ang ulo ko nang mapansin kong bigla na lamang tumakbo papalayo si Ember. "I'm not yet done with you Lortham" huling sambit ko bago ko siya basta na lamang binitawan at hinabol si Ember.


"Ember. Hey, please" tugon ko nang maabutan ko siya at hinawakan sa kaniyang braso. Umiiyak siya, this is the first time I saw her crying simula nang magkakilala kami. "Shhh" sambit ko at niyakap siya. Hinagod hagod ko ang likuran niya maging ang buhok niya.

Nang tumahan na siya ay pinaupo ko siya sa isang bench na nasa gilid nang kalsada sa gitna ng isang park kung nasaan kami. Lumayo naman siya sa akin kaya nagtaka ako but I didn't make it a big deal. "What happened?" tanong ko nang tuluyan na siyang huminto sa pagpunas ng luha niya.

Matagal bago siya sumagot. She's just staring at nowhere while swinging her legs. "It's my fault. Don't talk to me again. H-huwag mo na akong lalapitan dahil ayukong masaktan ka ulit. Ayukong maulit na naman ang nangyari noon. Ayuko na ng pakiramdam na sisihin ng lahat sa kasalanang hindi ko naman ginawa. I know, may part ako sa nangyari. Kung hindi sana ako umalis at tumakbo papalayo, s-sana..." nagsimulang magtuluan ulit ang luha niya na agad din naman niyang pinahid gamit ang hinlalaki niya.

"Sana hindi mo naranasan iyon, sana hindi nanakaw iyong mga ala-alang alam kong labis mong pinapahalagahan." aniya. Nilingon niya ako. Kung noon wala akong mabasa sa mga mata niya ngayon kitang kita ko na ang lungkot sa mga tingin niya. Why?

"I don't deserve you anymore. We don't deserve each other anymore. I think this will be our closure, dapat lang na tapusin na natin ang lahat at putulin na ang ugnayang nakakabit sa ating dalawa. Mahalin mo iyong taong laging nandiyan para sa iyo. Iyong babaeng mamahalin ka kahit ano o sino ka pa. Iyong babaeng tanggap ka ng buo kahit may kulang sa iyo. I'm always wishing for your happiness, cosmo. You will always be that universe but I guess you should look for another star for it. I— I love you, goodbye." sa haba haba nang sinabi niya para bang wala akong maintindihan. Para bang isa akong musmos na walang alam sa kapaligiran. Closure, for us? Hindi ko alam ang dapat na reaksyon lalo nang binanggit niya iyong tatlong katagang iyon. Sht!

Nakalayo na siya sa akin dahil naiwan akong tulala roon nang mag-isa pagkatapos niyang magsalita. Hindi ko maprocess nang sabay sabay ang mga impormasyong hindi pa man buo pero may kasiguraduhan na ako. Lalo pa't pinakikinggan ko nang mabuti ang pintig ng aking puso.

Agad kong tinakbo ang pagitan naming dalawa. Ikinulong ko siya sa aking bisig mula sa kaniyang likuran nang mahabol ko siya. I kissed her head. "Don't leave. Stay" mahinang bulong ko. Umiling siya bago sumagot. "Wala nang pag-asa. Hindi na puwede. May mahal na akong iba" aniya na mas nakapagpalumo sa akin.

Umiling iling ako at iniharap siya sa akin. "No. S-sinabi mo lang iyan dahil di ba sabi mo k-kanina.. Sabi mo kanina ayaw mo akong nakikitang nasasaktan. Ayaw mo nang masisi sa isang bagay na hindi mo naman ginawa. Then I'll protect you. Ayos na ayos na ako oh. Ember please. Don't, just don't" nagmamakaawang sambit ko.

Bumalik sa walang emosyon ang mukha niya. Pinunasan niya iyong mga luha sa kaniyang mga mata at kusang inalis iyong mga kamay kong nakahawak sa magkabilang balikat niya. Tiningnan na naman niya ako na para bang wala akong kuwenta. Na isa akong estrangherong hindi niya kilala. She shrugged and leave me hanging.

Naiwan ako doon na mag-isa habang tinatanaw ang bulto niya papalayo. Napaluhod ako at nagsimulang magpatakan ang aking mga luha. I couldn't breath, sobra akong nasasaktan. Wala pa rin akong naaalala pero sobrang kirot at sakit ng puso ko. One things for sure is that I am always willing to search the whole world to find her because I want to protect her. Emberrr...

HIS TRAGEDY (The Trilogy of Amadeo Brothers Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz