Chapter 6

3 0 0
                                    

Chapter Six
Stranded

I'm on my way to Batangas dahil iniurong ang dapat na Sunday seminar sa Biyernes. May bagyo raw kasing paparating kaya naman ngayong araw na lang daw dahil it's just a one day and one night stay.

Nagpagasolina muna ako nang mapadaan sa isang gasoline stations. Paalis na ako nang mapansin ko iyong pamilyar na motor. It's been two weeks since I ignored her though twice ko lang naman siyang nakita.

I did follow her advise, to close my eyes and act as if I didn't see her. Kaya naman pinaandar ko na ang kotse ko paalis nang hindi siya nililingon o pinapansin. We haven't introduce ourselves to each other after how many encounters. And I think we'll just remain strangers for the rest of our lives.





"This way sir" imuwinestra ng isang hotel crew ang kuwarto kung saan ako magsstay for the whole day of the seminar. Sinundan ko naman siya at agad na iniayos iyong nga gamit ko nang makapasok ako.

After doing so ay lumabas ako sa may veranda. I can clearly see the beautiful beach here, ang dagat na napakatahimik habang sumasayaw ang mga dahon sa marahang pag-ihip ng hangin. Ngayon na lang ulit yata ako nakaihip ng sariwang hangin at makakita ng beach.

Pasado alas sais lang ng umaga nang makarating ako roon. It's already quarter to eight, agad na akong nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng khaki short and a white polo habang may nakasabit na shades dito. Since I'm in a hotel and beach resort, I immediately make my way to the shore.

I was walking at the shore when someone covered my eyes. I can smell her strong perfume which I think a victoria secret perfume. Seems familiar, what? No way it's her. Agad kong inalis sa pagkakatakip iyong mga kamay sa mga mata ko and look at her.

"Hi" aniya nang nakangiti. Sinuklian ko naman siya ng isang blangkong mukha. "What are you doing here?" tanong ko. She just shrugged and answered "Seminar" anito at naglakad na paalis.

Napailing na lang ako. Yeah, Georgina Buencamino is fckng here for the seminar. I laughed sarcastically nang maalala ko iyong mga sinabi sa akin ni Kurt.

"But I heard sir that she had no interest to business nor take their business. Seminar nga lang po minsan ayaw niya pang puntahan"

Napailing ako ng ilang beses dahil narealize kong she's probably chasing me now. Napahilamos ako sa mukha ko at bumalik na lamang sa loob ng kuwarto ko para magready sa breakfast mamaya. Alas diyes pa raw kasi mag-uumpisa ang ceremony pagkatapos niyon ay ang seminar. We'll just sleep the whole night and go home tomorrow. But I don't think I can peacefully sleep later.





Naging payapa naman ang umagahan ko hangang sa mag-umpisa ang ceremony at seminar ay walang Georgina ang nagtangkang guluhin ang tahimik kong mundo. Alas tres na ng hapon nang matapos ang seminar nang makatanggap ako ng isang message galing sa bunso kong kapatid.

From: 3rdL

Kuya, malapit daw diyan iyong nagbebenta ng masarap na lomi. Can you buy two order for me? I'll pay you back when you got home. Thanks.

Sent: 3:04 pm

Napailing na lang ako sa katakawan ng kapatid ko hindi naman tumataba. I just replied ok before I put back my phone inside my pocket. Bumalik ulit ako sa loob ng kuwarto ko para magpalit. Nahubad ko na ang pang-itaas ko nang bigla na lamang bumukas iyong pintuan.

I clearly see her smirk while waving a spare key on her hand. Proud, eh? Pinasadahan niya ang buong katawan ko when I realized that I am topless. Agad akong kumuha ng isang plane white shirt at dali dali itong isinuot. "What are you doing here? Do you even know the word privacy?" naiinis kong sambit.

Tumawa naman siya sa sinabi ko at inisa isang hakbang ang distansta sa pagitan namin. Tumaas muli ang sulok ng labi niya at nginitian ako. Tatlong hakbang na lang ang layo namin and I already smell her strong perfume, gusto kong masuka. I don't like strong type of perfume.

Itinapat niya bigla iyong hintuturo niya sa dibdib ko hangang sa pababa ito ng pababa. I just let her do what she wants but before he could even reach that thing between my thighs, I held her hand. Inakay ko na siya palabad at hinablot iyong spare key na hawak niya. "Sino na namang inakit mo para makuha ang spare key ng kuwarto ko Ms. Buencamino" mariing sambit ko nang makalabas kami.

Nakasandal siya ngayon sa pader habang nakangiti ng nakakaakit. But instead of answering my question she put her hands around my nape. "I make out with him just to get that goddamn spare key of your room Mr. Amadeo. I told you, I'll chase you" bulong niya sa tainga ko.

Hinawakan ko naman siya sa balikat at inilayo sa akin. "Well, I won't let you chase me" bulong ko pabalik at iniwan siya roong tumatawa pa. Crazy!

Agad na akong dumiretso roon sa pinagbibilhan daw ng pinakamasarap na lomi rito sa batanggas. Nahiya iyong gulong ng kotse ko dahil sa sobrang bako bako iyong daan at para bang malayo ito sa kabihasnan. Paano naman kaya ito natuklasan ng kapatid ko at hindi ko alam kung nakakabenta pa iyong may ari ng tindahan.

Pero nagulat ako dahil pagdating doon ay sobrang dami ng tao. May isang hindi gaanong kalakihang kubo ang nakatayo roon sa gitna ng masukal na gubat. Mayroong mga upuan at lamesa na gawa sa kahoy sa harapan nito kung saan kumakain ang mga customers nila. Alas singko na tuloy ako nakarating at baka gabihin pa ako sa pag-uwi dahil ang dami pang nakapila. I'm the last in the line.

Habang palapit ako nang palapit sa pinakauna ay unti unti nang nagsisiuwian ang mga ibang kumakain at bumibili. Iyong iba take out lang din katulad ko. Ako na ang susunod sa bibili nang makarinig kami ng takbo ng isang motor.

Paglingon ko ay nakita ko siya. Agad naman akong umiwas nang hindi niya pa ako napapansin at sinabi na iyong order ko pagkaalis nong nauna sa akin. I was about to leave nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Pinapasok kami nong mag-asawang may-ari ng lomihan sa loob dahil delikado na raw ang magmaneho paalis kapag ganitong malakas ang ulan. Kung susuwertehin ka naman. Nakaupo kaming dalawa sa isang bangko sa loob ng bahay na tiyak kong sala ng mag-asawa. Paglingon ko sa tagiliran ko ay nagulat ako nang makitang titig na titig sa akin iyong babae.

Iyong babaeng nagsabing ipikit ko ang mga mata ko kapag nakita ko siya. Magkunwaring bulag at takpan ang mga mata ko kung saking magkasalubong kami. But what she's doing right now? I am stranded with her emotionless eyes.

HIS TRAGEDY (The Trilogy of Amadeo Brothers Book 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें