Chapter 2

9 0 0
                                    

Chapter Two
File a Case

Nasa kalagitnaan ako ng highway  pabalik sa office nang naramdaman kong may sumalpok mula sa likuran ko. Pagtingin ko sa side mirror ng kotse ay nakita ko ang isang taong nakasakay sa motor,hindi ko mawari kung babae ba o lalaki. Kumakaway ito at sinasabing hayaan ko na lang pero hindi ko alam kung bakit ayuko itong palagpasin.

Nang malagpasan niya ako ay nakita ko ang tatlong motor na nakabuntot sa kaniya. Agad kong hinarangan iyong mga humahabol sa kaniya at ako naman ngayon ang sumusunod sa kaniya. Nang tumigil ang traffic light sa pula, ibig sabihin stop ay tumigil ako sa tabi maging siya.

Agad akong bumaba pero paglingon ko sa kaniya ay tila ba huminto sa pag-ikot ang mundo. Nang matauhan ako ay hinawakan ko siya sa braso. Nagulat naman siya at nagsimulang sumigaw "Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" aniya, hindi yata ako nakikilala.

May mga humarang pa sa amin dahil tila nagmumukhang hinaharass ko siya. Ipinaliwanag ko naman ang nangyari kung bakit ko siya hawak hawak. Nang makalapit kami sa kotse ko ay agad kong itinuro iyong nagasgasan niya.

Napasinghal naman siya dahil sa nangyari. "Akala mo ba palalagpasin ko iyon? Well I am not that kind of a guy" pagsisinungaling ko. Maya maya pa'y sunod sunod na huminto ang mga motor na nakabuntot sa kaniya kanina. "Shit" aniya at akmang tatakbo pabalik sa motor niya nang muli ko siyang hawakan upang pigilan siya.

"Are you trying to escape again? Will you pay for it or I'll take you to the police station" inalis naman ng mga tatlong nakabuntot sa kaniya ang mga helmet nila. Mga babae rin sila at ngayon ay papalapit na sila sa amin. Hindi pa rin ako pinapansin ng babae.

"Miss—" tawag ko pero agad niya akong sinampal ng perang nakuha niya sa wallet niya. "Wt—" singhal ko. "Okay ka na? Tara ja, panira kasi nitong lalaking 'to" aniya at inaya na ang tatlo pang babae na umalis na. Ngumisi naman iyong mga kasama niya pala.

Umalis na siya at muling sumakay sa kaniyang motor at pinaharurot ito palayo. Pero hindi nakatakas sa akin ang plate ng motor niya maging ng mga kasama niya. Tiningnan ko naman iyong perang sinampal niya sa akin, "10 000. Aba galante" napailing iling ako sa sinambit ko at muling sumakay sa kotse ko.

Pagtingin ko sa orasan ko ay nakita kong pasado alas otso na "Sht" pagmumura ko dahil late na ako ng almost one hour "Ano ba kasing iniisip mo Lothair, pinalagpas mo na lang sana" pangangaral ko sa sarili. Agad ko na ring pinaharurot ang sasakyan ko pabalik.

Pagdating doon ay agad na sinalubong ako ng ngiti ng mga empleyado roon. Ang iba naman ay nagtititili dahil nakita na naman nila ako. Sino ba namang hindi titili kung nakita mo ang isang guwapong tulad ko. Pero seriously, this is my first time na nalate for almost five years na pagtratrabaho.

Agad na akong dumiretso sa office ko at sinimulang pirmahan ulit iyong mga tambak tambak na papeles sa desk ko. After that agad kong tinawag ang secretary kong si Kurt.

"You have a board meeting at 4 pm sir and your family dinner at 6pm at La Sociedad Restaurant. That's all sir" aniya. Tumango lang ako rito bago tumayo at inihanda ang sarili para umalis. Tiningnan ko ang wrist watch ko and to my surprise I still have 2hrs before my meeting.

Napagdesisyonan kong ipaayos na lang muna doon sa labas iyong kotse ko. Agad akong dumiretso sa malapit na repair shop.

"Kuya, mga anong oras po maayos 'yan?" tanong ko "mga isang oras po depende kung makakarating agad iyong piece" anito, tinanguan ko naman siya at umupo sa upuan na nakaharap sa pinagtratrabahuhan nila.

After maayos ng kotse ko ay agad akong ginising ni kuya. "Sir, ayos na ho, nakatulog pa kayo" anito. Nag-unat unat naman muna ako bago tumayo. "heto po ang bayad" abot ko nong perang binigay sa akin kanina nong babae.

Nagtataka ako noong mapansin kong parang sinusuri ni kuya iyong pera kaya naman nagtanong na ako. "Kuya may problema po ba?" nilingon muna ako ni kuya bago ibinalik ang pera. "Lolokohin niyo pa ako sir eh, peke 'yang bayad mo" bigla ay sigaw niya.

Nang pinakatitigan ko iyong pera at nilukot ito ay hindi nga ito gumalaw. Dahil sa hiya ay agad akong kumuha ng pera sa wallet ko. "Pasensya na po kuya, mali iyong nahugot ko. Heto po, totoo po 'yan" sambit ko.

Kinuha naman ni kuya iyong ibinayad ko bago ako tinanguan. Agad na akong nagpaalam at tumawag sa police.

Agad akong dumiretso sa police station at hinintay iyong babae. Nang makarinig ako ng huni ng motor ay ipinagpalagay kong siya na iyon. Paglingon ko sa aking likuran ay hindi nga ako nagkamali.

Nang magtama ang paningin namin ay inirapan niya ako. Umupo naman siya sa tabi ko nang magsalita ito. "Ano pa bang problema mo ha? Biayaran na kita ha"

"Problema ko? Peke 'yong binayad mo sakin"

"Anong peke, bakit naman peke ang ibibigay ko sa iyo. Mayaman kami no, huwag mo nga akong pinagloloko" sigaw niya bigla.

"Ma'am huwag po tayong sumigaw sa loob. So, ang sabi ni sir ay overspeeding daw kayo kanina na dumating sa point na nagasgasan niyo ang kotse niya" panimula ng pulis.

"Hindi ako overspeeding, pero totoong nagasgasan ko nga iyong kotse niya. Binigyan ko na siya ng pamparepair kuya, itanong mo nga kung ano pa bang problema niya"

"Ayon sa cctv na napanoud namin ay overspeeding nga kayo ma'am at dahil diyan ay pagmumultahin ka namin. Iyong ibinigay niyo raw pong bayad dito kay sir ay peke. Heto ma'am"

Napansin ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha nang makita iyong pera. Napahilamos na lang siya sa mukha niya at kinuha iyon bago pinalitan ng bago. "Sapat na ba iyan, aalis na ako. Kayo na ang bahala riyan" aniya at agad na itong umalis.

Napapailing na kinuha ng pulis na nagaasikaso sa amin iyong pera. "Ma'am sandali, kailangan namin ng signature niyo" paglingon niya ay para bang papatayin na niya ito. Padabog ulit siyang lumapit at pumirma sa pinapapapirmahan ng pulis sa kaniya.

Tiningnan niya pa ako ng masama bago tuluyang umalis. Pakinig ko pa ang bulong niyang "istorbo". Isinawalang bahala ko na lamang iyon at pumirma na rin sa pinapipirmahan ni kuya bago ako umalis.

Pagtingin ko sa wrist watch ko ay quarter to 3 na. "sht! Salamat kuya mauuna na po ako" ani ko at agad nang umalis. Bakit ba nagreklamo pa ako, puwede ko namang sagutin na lang. Sht talaga!

HIS TRAGEDY (The Trilogy of Amadeo Brothers Book 1)Where stories live. Discover now