Chapter 9

2 0 0
                                    

Chapter Nine
You're The Reason

Agad akong napahawak sa ulo ko dahil sa matinding pagsakit nito. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakatulog si Georgina sa may upuan habang nakapatong ang ulo niya sa kama ko. Inilibot ko naman ang aking paningin sa silid kung nasaan ako, hospital.

Tinapik tapik ko sa balikat si Georgina para magising ito. Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay agad niya akong kinapa kapa. "Are you okay? I'm really worried about you Lothair. How are you feeling" natatarantang aniya bago pinindot iyong red button para magtawag ng nurse o kaya doctor.

Pinaupo ko naman siya "Chill. I'm good" ngumiti ako ng tipid kaya naman nakampante na yata siya. Bumalik siya sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na banggitin iyong nakaraan. Tito Lorenzo really never tried to tell you because it's too tragic, baka hindi mo kayanin" kita ko at ramdam ko ang pag-aalala sa mukha at kilos ni Georgina. I just sighed.

Napalingon naman kami sa pintuan nang sabay sabay na dumating sina dad, Lortham, Logan, isang nurse and the doctor. Naggive way muna iyong doctor sa tatay at sa kapatid kong si Logan habang nakatayo lang sa gilid si Lortham. They asked me almost the same question, kung ayos na ba ako, okay lang ba ako, anong nararamdaman ko and others.

"Dad, Logan, I'm fine. Okay? Chill" natatawang saad ko. Nabaling naman ang tingin ni dad sa doctor. Tumango siya rito at lumabas na silang dalawa habang chinicheck naman nong nurse ang lagay ko. Nang matapos ito ay agad na siyang lumabas, ang sabi niya lang I need to rest and for sure makakauwi na ako kinabukasan.

Natahimik ang buong silid. Ramdam ko ang namumuong tensyon lalong lalo na sa paraan ng pagtitig ni Lortham kay Georgina. Agad din namang naputol iyon nang muling pumasok si dad. "Rest up son, susunduin ka na lang namin bukas. Hija, let's go" ani dad sabay baling kay Georgina at sa dalawang kapatid ko. "Take care sa pagdridrive dad"

Naiwan ako roong mag-isa nang mapansin kong alas diyes na ng gabi. Hinablot ko naman iyong cellphone ko na nasa ibabaw ng bedside table. Isang daang mahigit na missed calls at libo libong text message ang natanggap ko mula sa mga kaibigan at katrabaho nangunguna na si Kurt. That idiot pfft.

Napagdesisyon ko na lamang matulog but I suddenly remember her face awhile ago. Hindi ako pinatulog ng konsensya ko dahil hindi ko siya sinipot sa date namin. Wala akong number niya and I don't even know her social media accounts, I'm really bothered. Right, I know destiny will make our paths cross again.

Kinabukasan ay agad na nga akong dinischarged. Paglabas ko ay nakita ko si Lortham doon, siya yata ang susundo sa akin. Napapailing akong lumapit sa kaniya. Tinapik ko siya sa balikat and as expected he throw death glares on me. "Sakay" aniya sa malamig na tono kaya naman sumunod na lamang ako.

"Bro daan tayo sa mall sandali, nagugutom na talaga ako" saad ko habang hinimas himas ang tiyan ko. Agad naman niyang iniliko ang kotse at nagpark. Nang makalabas ako akala ko ay maiiwan siya roon but he followed me hangang sa loob ng mga fast food chains. How he hates crowded places kaya nagtataka ako kung bakit siya sumunod. My brother still cares for me, I can feel it.

Nang makabili ako ng pagkain sa MC do ay dumiretso naman kami sa red ribbon and I bought a small size cake. Paglabas namin ay tumambad sa harapan naming dalawa ni Lortham ang maamong mukha ni Ember. She's cute, kumakain kasi siya ng ice cream.

"Look who's here" bigla ay sambit ni Lortham. Hindi siya nito pinansin at pinasadahan lang ako ng tingin. Nagulat naman ako nang sumunod sa kaniya si Lortham, even him kilala niya si Ember. Nang makarating kami sa parking lot ay nagsalita si Lortham, nagpaparinig.

"Sino nga ba iyong babaeng pinagkatiwalaan mo ng buong buo pero pinagtaksilan kayo. Wow, and she's even the reason why my brother is in this condition" pinigilan ko sa pagsigaw si Lortham dahil nakakakuha na kami ng atensyon.

I saw her stopped kaya napatigil din ako sa pagsuway sa kapatid ko. Pero hindi siya nagpaapekto at sumakay na sa motor niya. Itinapon naman niya iyong plastic ng ice cream sa paper bag na hawak niya at sinimulang buhayin ang makina ng motor. Namalayan ko na lang na nakalapit na si Lortham kay Ember at pinanlilisikan ito ng tingin.

"Puwede ba Lortham huwag mo akong sisihin sa kagagohan mo. Nakaraan na iyon, everyone has already moved on kahit ang kapatid mo. Why can't you fckng accept na hindi na babalik ang lahat sa dati, matututo ka ring magmove on puwede ba umalis ka sa daraanan ko, nakaharang ka" mariing sigaw niya.

Muling sumakit ang aking ulo kaya naman napahawak ako rito at nabitawan iyong mga pinamili ko. Napaluhod ako sa kirot, I thought she's going to ask me if I am okay nang lumapit si Lortham sa akin. But she just stare at me for a second at umalis na.

Paulit ulit na naririnig ko iyong boses na sobrang pamilya. She's saying I love you, I miss you, and her goodnight song. The voice really sounds familiar and I know why everything is so confusing. Hindi kaya siya ang rason para bumalik ang sinasabi nilang nawalang ala ala ko?

I'm pretty sure she'll answer my questions but my family or even Georgina will not tell the story base on facts. Hang in there, whoever you are.

HIS TRAGEDY (The Trilogy of Amadeo Brothers Book 1)Where stories live. Discover now