001

310 21 7
                                    

001


"Sino bang lagi mong inaabangan diyan?" Napalingon ako kay Aella na biglang nagtanong. Palihim akong ngumiti bago umiling.



"Anong wala? Kanina ka pa panay sulyap sa building ng Engineering, halata ka girl," I chuckled. Huli na 'ko pero hindi pa rin ako aamin.




Nasa football field kami ngayon dahil wala namang klase. Malapit lang ang field sa building ng Engineering at inaabangan ko ang taong gusto ko. He's an engineering student and a football team leader kaya lagi kami dito tumatambay kapag vacant. Lagi akong nagnanakaw ng tingin sa kaniya.



Ilang sandali pa ang lumipas ay narinig ko ang pagring ng bell hudyat na lunch time na ng Engineering students. Pasimple akong naglagay ng liptint sa 'king labi at kaunting blush on sa aking pisngi. May pagka-maputla kasi ako kaya lagi akong naglalagay ng kolorete sa mukha ko, kahit hindi ganoon karami.



"Hala, girl! Look, he's my crush!" Kinurot pa 'ko ni Aella sa tagiliran kaya wala akong nagawa kun'di tingnan kung sino ang itinuturo niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita kung sino iyon.




Bakit siya pa ang gusto mo?




Pilit ko siyang nginitian. "He's good." Komento ko. Totoo naman, he's good. Gwapo siya. Pasaway nga lang talaga. Sa sobrang gwapo, pati kaibigan ko ay kaagaw ko na mismo sa kaniya.



Nagtama ang paningin namin, senyales na iyon na pupunta 'kong cr. Kinalabit ko si Aella na kasalukuyang kalmado na.



"Mag-cr lang ako, pabantay ng gamit ko ha?" Hindi niya ako nilingon pero tinanguan niya 'ko. Kinuha ko ang phone ko sa bag saka dumiretso sa cr malapit sa cafeteria. Wala kasing masyado gumagamit n'on dahil puro maaarteng bitchesa ang gumagamit nito.



Nauna siya sa 'kin, bakit wala pa siya rito?




A sweet smile immediately formed into my lips when I felt his arms encircled into my waist. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango na paborito kong amoy.



"I missed you," he whispered to my ears that gave shivers down into my spine.



"Tsk, kakakita lang natin kanina ah?" Pabirong tugon ko.



"Tss. Hindi mo ba 'ko na-miss?" Humarap ako sa kaniya at bumungad sa 'kin ang gwapo niyang mukha na nakasimangot. Aish, a hotie, indeed.



"Sira, na-miss kita, okay? Kumain ka na ba? How's your class?" Magkasunod kong tanong sa kaniya. He cupped my face and planted soft kisses on my cheeks. Napangiti ako nang gawin niya iyon, my baby missed me so much.




"Hindi halatang miss na miss ako ha?" I heard him chuckled sexily.



"Hindi kita malapitan kanina eh. I wasn't able to do this. I missed you really bad," I encircled my arms into his nape and kissed him on the tip of his nose.



"May alis ka ba mamaya? Let's eat together sa fave place natin," aya niya sa 'kin. Malungkot ko siyang nginitian. Gusto kong sumama sa kaniya kaso may by two's presentation kaming dapat tapusin ni Claudine, isa ko pang kaibigan bukod kay Aella.



"I can't babe, I'm sorry. Maybe next time?" He sighed in frustration. Naiintindihan ko naman kung magtatampo siya sa 'kin. Ang tagal na simula n'ong huling labas namin na magkasama. Nasasaktuhang may gagawin kami parati kapag may mag-aaya sa aming dalawa.



"Babe naman, don't be mad. May presentation kasi kami ni Claudine na kailangang i-present bukas. Please? Bukas, I promise, let's go out after our class," pangungumbinsi ko sa kaniya.



How Dare You? (COMPLETED)Where stories live. Discover now