007

91 14 2
                                    

007



"Sigurado ka bang pupunta ka?", Elijah worriedly asked. Mapakla akong natawa saka tumango.



"Oo naman. I was invited by my bestfriend, bakit naman hindi ako pupunta?"



Kinabig niya ako palapit sa kaniya saka ako niyakap nang mahigpit. Natigilan ako nang maramdaman ang mga luha kong tumutulo na naman pababa sa aking pisngi, hanggang sa hindi ko na namalayang humihikbi na pala ako. Hindi pa pala tapos 'yong sakit, sobrang sakit pa rin pala. Hindi pa pala ubos 'yong luha, may ilalabas pa pala.



"Let it all out..I'm here.." he whispered. Napailing-iling ako. Ilang beses na akong nagbreakdown sa kaniya sa loob ng ilang oras. I cried many times when I told him about this. I told him the whole story. Okay lang sa 'kin na husgahan niya ako pero I'm glad that he didn't.




"Now..you should forget about him, alright? You can't continue loving him. Please wake up, Christine.." he begged. He wanted me to wake up. Hindi ko alam kung kailan ako sasampalin ng katotohanan. Hindi ko alam kung kailan ako magigising. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang bitiwan siya para sa ikakasaya niya.



Ang unfair eh...pwede naman niyang sabihin sa 'kin, matatanggap ko. Pwede niyang aminin sa 'kin, makikinig ako. Pwede niyang sabihin sa 'kin nang diretso na hindi na niya ako mahal, papalayain ko siya alang-alang sa kasiyahan nilang dalawa.



I bitterly smiled, minahal nga ba talaga niya 'ko?



Pero ngayon, hindi ko matanggap dahil pakiramdam ko naloko ako ng buong mundo. Alam ba ni Claudine ito? Kaya iwas na iwas siya tuwing nagtatanong ako tungkol sa kanila? Pero kailan pa? Kailan pa ba 'ko nabubulag sa kasinungalingan?



Ang galing lang, kasi akala ko 'yong taong mahal ko, mahal rin ako but looks like it turned out na, mukhang ako lang 'yong nagmahal nang totoo.



Sino nga ba namang makakatagal sa relasyon namin? For sure bago pa man ako makaalis ay may namamagitan na sa kanila ni Aella. Our relationship is forbidden. Alam kong kahit pagbali-baligtarin ko ang mundo, hindi si Aella ang magmumukhang kabit, kun'di ako.




I sacrificed a lot. I sacrificed my image and my dignity, I almost gave myself to him, and because of that, I think I already lost myself.



Oh Lord, why did I have to love someone like him? Why do I have to love him and suffer like this?



Akala ko sapat na 'yong tatlong buwan para mawala 'yong stress, tapos heto na naman, nadagdagan na naman. Mukhang mas masakit pa ang dadadanasin ko sa mga susunod na araw.



Napaisip rin ako. Hindi kaya si Aella ang nangbablackmail sa 'kin noon? Posible bang siya ang dummy accounts na nagmessage sa 'kin noon? If gan'on, alam niya ang tungkol sa amin. She's obsessed!



"Do you want me to come with you?"



Umiling ako. Masyado na siyang maraming iniisip dahil sa 'kin. Ayono namang dumagdag pa sa sakit niya sa ulo. Okay na 'ko sa natutulungan niya 'ko, nacocomfort, siguro naman kaya ko nang ihandle 'to nang mag-isa.



"Goodluck, take care,"




——






Napangiti ako ng mapait habang nakatitig sa dalawang taong ikinakasal sa aking harapan, nagsusumpaan ng kanilang pagmamahalan sa harapan ng altar, ang masaklap pa doon, lahat ng temang ginamit dito, simula sa kanta, bulaklak, at sa mga suot ng bisita, lahat 'yon, plano naming dalawa.


How Dare You? (COMPLETED)Where stories live. Discover now