002

155 16 3
                                    

002



Matapos mangyari iyon ay nanatili na 'ko sa field. As usual, hinihintay kong matapos ang klase niya dahil nangako ako kahapon na lalabas kami ngayon. Sana naman ay wala siyang ibang plano ngayon.



"Babe," tawag ko sa kaniya nang makita kong nilagpasan niya lang ako. Halos wala na rin namang tao dahil almost 7 o'clock na ng gabi natapos ang klase nila.



"Anika? What are you doing in here?" Gulat niyang tanong bago lumapit sa 'kin. Mapakla akong tumawa. H'wag niyang sabihing nakalimutan niya?



"You forgot?"


Kumunot ang noo niya na animo'y nagtataka kung ano ang nangyayari. Grabeng atake, hindi ko inaasahang makakalimutan niya.



Saglit akong tumingin sa kalangitan para pigilin ang mga luhang nagbabadyang makawala mula sa aking mga mata. Don't cry, Nika, just don't.



"Ngayon kita inaya lumabas dahil monthsary atin ngayon. Mukha namang nakalimutan mo eh, at mukha ring may iba ka pang lakad. Sige, mauna na 'ko,"


Kinuha ko ang gamit ko sa bleachers at mabilis na naglakad. Hindi pa man ako nakakalayo ay hinatak na niya ako pabalik at mahigpit akong niyakap. I can't help it but to burst into tears.



"Paul...a-ako pa rin ba?", nanghihina kong tanong. Umaasang tama ang sasabihin niya.


"Ikaw lang naman palagi," bulong niya sa tainga ko. He caressed my face and kissed my forehead. I closed my eyes and distanced myself from him.


"Then tell me, Paul! Bakit ganito?! Bakit...parang hindi na ikaw 'yong Paul na minahal ko? Bakit parang...hindi na ako 'yong laman ng puso mo?"



"Alam mong hindi totoo 'yan, Nika. Ikaw at ikaw lang ang gusto ko," diretso niyang saad. I heavily sighed and clenched my fists  as a sign of my frustration. Mukhang nahalata niya 'yon kaya hinawakan niya ang braso ko at umiling ng paulit-ulit.



"No love, please...never say that..I'm at fault, I-I'm sorry.." pagsusumamo niya pero hindi na magbabago ang isip ko.



"Paul, let's give each other a...break. Let's take a break from this relationship," I finally stated then left him there while kneeling.


——



Dismayado kong ipinasa ang exam ko. Inilapag ko iyon nang maayos sa harapan.  Sinalubong ako ni Aella sa pinto at kinumpas ang kaniyang mga kamay, senyales na may panibago siyang chismis na sasabihin sa akin.



"Ano mayr'on?" Tanong ko nang makahanap kami ng uupuan sa cafeteria. Inilibot muna niya ang tingin niya sa paligid para masiguradong walang makakarinig sa sasabihin niya.


"Si Gavin, may girlfriend daw sabi ng blockmate niya!"



Ilang segundo akong hindi nakagalaw sa kinauupuan ko. Nervousness filled my system. Kilala ba ako ng blockmate ni Paul? Kung ganoon, lagot kami, panigurado.



"S-sino daw?" Kabado kong tanong.


"That's the egg, hindi nga nila alam eh. Basta lagi daw umaalis si Gavin para puntahan ang girlfriend niya, ang alam nila dito rin daw nag-aaral 'yon."



Nanlalamig ang dalawang kamay ko pero nanatili akong kalmado. I calmed myself bago niya pa mapansing balisa ako. For sure, she will doubt me.



"A-ah...seryoso ka ba talaga kay Pa—Gavin?"


Napahigpit ang pagkakahawak ko sa paldang suot ko. Muntik ko nang mabanggit ang second name niya. Matawag ko lang si Paul sa pangalan na 'yon ay malaking clue kaagad iyon sa kaniya. Kailangan kong mag-doble ingat.



How Dare You? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon