005

100 16 3
                                    

005



Paul has been confined in the hospital. Laging ako ang nagbabantay sa kaniya. Dalawang araw na siyang naka-hilata sa hospital bed at walang malay. Si Claudine lang din ang parating bumibisita rito since siya lang naman ang nakakaalam ng tungkol sa relasyon namin ni Paul. Hindi rin ako nakakapasok sa school pero ayos na 'yon dahil ako pa rin ang mas lamang na mage-excel.



"Hasn't he woken up yet?", tanong ni Claudine. Inilapag niya ang pagkaing dala niya sa mesa saka umupo sa tabi ko.



"Kailan kaya siya gigising? Gusto ko na siyang makausap uli," she softly touched my hand then smiled at me.




"Don't worry, magigising din siya. And you're gonna wait for him, right?", sinuklian ko rin siya ng isang matamis na ngiti saka tumango.



Maaga rin siyang umalis dahil aniya'y may aayusin pa raw siya sa bahay nila. I just stared at my boyfriend's face for a several minutes. Naghihilom na ang mga pasa at sugat na natamo niya n'ong nakaraan. Napabuntong-hininga ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nalalaman kung sino'ng gumawa n'on sa kaniya. Knowing Paul, wala siyang nakakaaway o nakakabanggang kahit sino. Pasaway siya pero hindi aabot sa puntong may makakaaway siya. Damn.



Hindi naman ako pwedeng magsumbong sa pulis dahil madadamay sila Mommy. Kapag nakilala nila si Paul ay tiyak na mas lalo akong malalagot. And I won't let that happen again.



Nagitla ako nang maramdaman kong gumalaw ang hintuturo niya. Nataranta ko na naging dahilan kung bakit ko nabangga ang baso. Nabasag pa! Aish, sinabihan ko na si Claudine na 'wag magpapasok ng babasaging bagay dito eh.



"N-nurse! Gising na po si Paul!", tawag ko sa isang nurse na nakasalubong ko malapit sa silid ni Paul. Ininform niya kaagad ang mga doktor at sinabihan muna nila akong manatili at maghintay sa labas pansamantala. Nang mapag-isa ay saka ko lang napagtanto ko kung gaano ako ka-tanga.



Lumabas pa 'ko ng kwarto niya, eh may intercom naman sa loob at button para magtawag ng nurse o doktor. Talaga nga naman. Pero I can't blame myself though, I panicked. Nag-alala ako baka kung ano nang nangyayari sa kaniya.



Isang oras at mahigit yata akong naghintay sa labas. Palakad-lakad ako habang hinihintay na lumabas ang mga tao sa loob. Halos mabaliw na 'ko kakaisip kung ano nang nangyayari. Muntik ko na nga silang pasukin ngunit naalala kong nasa matinong pag-iisip pa 'ko para gawin 'yon.


"Doc, how's Paul?", agad kong tanong sa doktor na naka-assign kay Paul .


"He's now stable. But I advise you to make him stay here for a week untik he's fully healed,"


"Thank you, Doc. By the way, about the medical feed po—"


"Someone already paid it for him," he replied. I was about to ask kung sino 'yon pero mabilis siyang naglakad palayo. Wala namang gaanong kakilala si Paul dito. His parents are not here in Philippines. Wala siyang kinikilalang tropa sa school. Sino naman ang may mabait na bituka ang magbabayad ng fees niya?


Bumalik ako sa kwarto at mahimbing na ulit siyang natutulog. I opened my WhatsApp and I was surprised when I saw the dummy account went gone! Hindi ko alam kung deactivated ba ang account, deleted, o reported. It's just I can't sent a message anymore. Hindi ko rin makita ang IP address para kung sakali ay ipapa-trace ko kay Aella since computer naman ang course niya.



Speaking of Aella, parang hindi ko na siya nakikita. Kahit sa school ay bihira ko siyang makita. Where is she?



"Argh.."


How Dare You? (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora