004

102 17 0
                                    

004



"Ma'am, maaga po kayong umuwi mamaya sahi ni Sir."



Naagaw ng pansin ko ang maid na biglang binanggi 'yon nang lagpasan ko siya. Muli ko siyang hinarap at binigyan ng nagtatanong na tingin. Why would my dad tell her na umuwi ako ng maaga? They're not even here in Philippines.



"Hindi ko po alam, Ma'am. Ibinilin lang po sa 'kin na umuwi ka raw po nang maaga," kinakabahan niyang sambit. Akala niya siguro'y sisinghalan ko siya dahil d'on.



"Okay, then. I'll be home at 7," I stated before stepping out from our house.



Napailing ako. Walang duda, paniguradong uuwi ang parents ko ngayon. Actually, bihira lang talaga sila umuwi eh. Mostly kapag may occasion lang gaya ng birthday ko and Christmas. Parang limang beses ko nga lang silang naabutan na nandito sa bahay ngayong taon.


Wala kaming pasok ngayon. Dapat ay nakatambay lang ako kina Claudine kapag gan'to pero ayoko muna siyang makita. I'm not yet ready to give her the answers that she wanted to hear. Alam kong nangangati na siyang magtanong sa 'kin tungkol sa nangyari n'ong nakaraan. It's been a week since we hiked. And yeah, he proposed to me that day. We're engaged! I know that when the right time comes, I'll say I do to him in front of the altar.



I used my car and drove to Paul's place in España. He bought a unit when I'm already his girlfriend since hindi naman kami pwede sa mismong bahay nila dahil hindi alam ng parents namin na mag-kasintahan kami.



I entered the passcode 'cause it's our anniversary naman. Nang makapasok ako ay bumungad sa 'kin ang makalat niyang sala. I saw him in the kitchen and he's cooking something while talking someone over the phone. Hindi niya napansin ang presensya ko at nang marinig kong halos sigawan na niya ang kausap niya ay nilapitan ko na siya.



Nagulat pa siya nang makita ako. Pinausod ko siya at ako na ang nag-handle ng niluluto niya.



"Ako na," I mouthed. He smiled and kissed me in my forehead before walking out of the kitchen. Ayaw niya sigurong naririnig ko siyang nakikipag-bungangaan sa mga nakakausap niya.




He was cooking Afritada. Hinihintay na lang niyang kumulo ito pero hindi niya yata napansn na kumulo na dahil sa kausap niya. Hinanda ko na rin sa mesa ang kanin maging ang ulam. Malapit na mag-lunch, alam kong mamaya pa matatapos 'yon sa phone call at late makakakain. Mabuti na lang talaga at pumunta ako rito.



"Babe," tinawag ko siya at itinuro ang pagkain. Sinenyasan niya 'ko na nagpapahiwatig na 'sandali lang'. Napairap ako sa kawalan, pinaghihintay ang pagkain.



Almost twenty minutes na 'kong naghihintay hanggang sa 'di na ako nakatiis at sinandok siya ng pagkain. Tumabi ako sa kaniya at tinapat sa bibig niya ang isang kutsara ng kanin na may ulam. Nagulat pa siya sa inasta ko at akmang aangal ngunit pinandilatan ko siya ng mata. Napahagikgik ako nang sa huli ay wala rin siyang nagawa at sinubo na lang ang pagkain. Susunod din naman pala eh.




Nilinis ko rin ang kalat niya sa sala. Puro pinaghubaran na t-shirt at pants. Nasapo ko na lang ang noo ko, napaka-kalat talaga kahit kailan.



"Babe, what are you doing here? You didn't informed me," medyo may halong inis ang boses niya kaya nasaktan ako. Ayaw niya bang nandito ako?



"You don't want me here?" My voice cracked. His reaction softened. He cupped my cheeks and kissed the tip of my nose. I heard him sighed before hugging me tightly.



"I-It's not that. I'm sorry baby,"



Hindi ako kumibo. Something's not right with him. I need to understand him. Baka napagod lang makipag-usap sa kausap niya kanina sa telepono. Bumitiw ako sa pagkakayakap niya sa 'kin. I almost cried when I saw his eyebags and his bloodshot eyes. Halatang hindi siya nakakatulog nang maayos.



How Dare You? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon