CHAPTER 9

85 25 0
                                    

"I hope na nag-enjoy kayo."

Dad smiled as he said those words. We're on our house now, at babalik na mamaya si Dad sa bahay nila. Hapon na rin naman kasi. Tapos na rin kami mag-picnic kanina.

"Of course, Dad. We enjoyed it. Lalo na si Mom. Enjoy na enjoy siya, o." I laughed nang makita kong medyo nag-blush si Mom. 

Dad hugged Mom, as well as me, but nang yayakapin na rin sana niya si Dalton, umiwas siya. "Go now. Wala ka ng kailangan dito kaya mas mabuti kung umalis ka na bago pa ako hindi makapag-pigil. Baka umuwi ka pa sa bahay niyong duguan." His tone was serious that made me shiver in fear.

Bumuntong hininga na lang si Dad. "Sige na, mauna na ako. Thank you sa oras niyo, Dalton at Dari. Lalo na sa'yo, Delayza, salamat kasi pumayag kang makapag-bonding tayo."

"Of course, papayag ako, Drayden. Ikaw pa rin naman ang tatay ng mga anak natin kaya may karapatan kang makasama sila, kami. Also, we already moved on from each other now, I guess?" Mom laughed pero halata mo sa mga mata niya na parang mahal pa rin niya si Dad. 

Well, I can't blame her, though. Medyo matagal din naman kasi silang nagsama ni Dad, e. Dalton watched Dad left first before siya umakyat sa kwarto niya. Sabi na nga ba, mahal rin niya si Dad. Ayaw lang talaga niya aminin.

💐💐💐 

Kinabukasan, I really forced myself to wake up at 3:00 in the morning because I might have the chance to see the anonymous man. Ganitong oras din kasi nakita ni Dalton kaya baka ganitong oras siya naglalagay ng bulaklak sa tapat ng pintuan ng bahay namin. 

Sumilip ako sa bintana ko. Thank God, I can see our door from here. 

Minutes passed...

I looked at my phone at 3:10 AM na. Matutulog na ulit sana ako when I heard a sound of a car na parang may paparating. Makalipas lang ng ilang segundo, may nakita na akong sasakyan sa tapat ng gate namin. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko para makita 'yung car type.

It was a micro car. 

I saw a silhouette of a man na bumaba mula sa driver's seat. May hawak siya at kahit hindi ko makita, I'm positive na 'yung bulaklak iyon. Tama nga si Dalton, halatang lalaki nga siya makita mo lang ang bulto niya.

I silently went downstairs nang binuksan na niya 'yung gate. Pumunta ako malapit sa pintuan at binuksan ko ito ng kaunti. Nakita ko siyang inaayos pa 'yung gate that's why he didn't still see me.

Luminga-linga siya sa paligid na para bang tinitignan kung may tao, but when he saw none, naglakad siya palapit kung nasaan ako. Nakahanda na sana ako to come near him when he suddenly stopped.

Tumitig siya sa pwesto ko at ilang sandali lamang ay iniwan niya na lang ang flower kung nasaan siya bago siya bumalik sa car niya. I went out from my hiding place at sinubukan siyang habulin, pero nag-drive na siya paalis.

Aalis na rin sana ako when I saw a chain pendant necklace on the road na mukhang nahulog niya. Kinuha ko iyon and saw a circle as the pendant na pwedeng mabuksan. I opened it and saw some letters in it. Hindi na masyadong kita ang mga letra. 

Only letter 'A' and 'E' are the visible ones.  

I examined the necklace kasi baka nandoon pa ang ibang letters sa chain niya, but I failed. I just kept this dahil baka hanapin niya at baka sa ganoong paraan ko siya makilala. Kinuha ko na rin 'yung flower na iniwan niya.

I didn't go back sa room ko at nag-start na lang ako maghanda for today. Nagulat pa si Mom nang makita niya akong mas nauna pang magising than her pero nginitian ko lang siya. Ayaw ko muna sabihin kung ano ang ginawa ko dahil baka pagalitan niya ako.

151 Flowers For You ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن