CHAPTER FOUR (It can't be)

132 4 1
                                    


WAAAHHH!!! Ang sarap ng tulog ko, ah. Ano na bang oras?
Oh, geez! 9 A.M na, dyahe! 8 AM ang usapan namin ni Armina. Tiyak na sasabunin na naman ako niyon nang walang banlawan. Nagmadali akong tumayo sa kama, hinayaang nakasabog ang unan at kumot ko. Binuksan ko agad ang kabinet ko, kalkal na naman ako ng kalkal. Parang basurahan lang. Kinuha ko ang bagong bili ni Mama na shirt at shorts. Simple lang na navy blue Gorgiano shirt at shorts lang ang pinili ko. Dali-dali akong pumasok ng banyo.
After 15 minutes na pagbabad sa shower ay lumabas na ako ng banyo.

After 5 minutes, nagsusuklay na ako nang pumasok sa loob ang maganda kong ina.

NAKATATLO na akong katok sa pintuan ng anak ko nang ipinasiya kong ipihit ang seradura ng pintuan. Nakita kong nagsusuklay ng buhok ang guwapo kong anak. Pakanta-kanta pa siya, tila masayang-masaya.

"Hi there, Luis! Saan ka pupunta? Wala akong natatandaan na may lakad ka," amused kong sabi sa anak ko na nakuha pang kumindat-kindat sa salamin na tila naaaliw.

"Ma, I'll meet a friend. Kaya tara na sa baba. Let's have breakfast. Late na ako sa usapan pero kakain muna ako. Ayaw kong magutom."

"Okay, dear, let's go," I said.
Habang masagana kaming kumakain ng anak ko ay hindi ko maiwasang mapuna sa aura ng anak ko ang kasiyahan.

"Luis, pansin ko," taas kilay na sabi ko sa kaniya.

"Ang alin Mama?" nakangiting tanong ni Xander sa akin.

"Iba ka ngayon, ah. Is there something. . . Hmmm. . . dear?" nakangiti ko pang tanong.
Nakangiti lang siya.

"Silence means yes," malinaw na sabi ng isip ko. Hinayaan ko na lang si Luis kung ayaw pa niyang sabihin sa akin.

Natapos kami sa pagkain na wala kaming napagtuunan ng paksa. Mabilis kong pinadaanan ng tingin si Luis na nag-uumpisa nang magpahid ng table napkin sa kaniyang bibig. Mabilis siyang tumayo at masuyo akong dinampian sa pisngi ng halik bago magpaalam.

"Ma, I'm going na. . ." Xander said.

"Okay, ingat! Ano ba gagamitin mong pajero, Xander?"

"The Cheverolett, Ma."
Iiling-iling na lang akong pumasok sa kwarto ko. Marami pa akong aasikasuhin sa kasal namin ni Armando. Two weeks and three days from now at magiging husband and wife na kami. Napangiti na lang ako nang matipid. Naisip ko ang nauna kong plano, na oras na ikinasal ako sa iba ay ibebenta ko ang bahay na ito. Para sa huling pagkakataon ay maibaon ko na sa limot ang masalimuot na tagpo sa buhay ko sa piling lang naman ng namayapa kong esposo.

MATAAS NA ang sikat ng araw, pasado alas-otso na. Pero wala pa ang hayop na si Xander, letse siya! Filipino time talaga siya.

"Tsk! Tsk!"
Siguro hindi na pupunta iyon. Nagdadabog ak0ng umalis sa terrace at nanatili akong nangalumbaba sa study table ko. Mataman ko lang tinititigan ang orasan na nakapatong sa table ko.

9:00 . . . 9:30 . . .

Pero wala pa rin siya. Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko. Mabilis kong inihiga sa kama ang katawan ko. Sa sobrang pagkayamot, ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa ganoong ayos.

Hindi ko tuloy namalayan na naitulog ko na ang pagkakapikit ko.

10:35 A.M.
"Sa wakas, nakarating din ako!"
Mabilis kong ipinarada sa gilid ng mansiyon ang aking sasakyan. Ilang beses din akong nag-doorbell, hanggang sa hinayaan akong papasukin ng guwardiya ng mga Deo Gracia.

"Wow, this place looks fabolous. Tulad din ng may-ari," puna ko sa mansiyon nina Armina.
Iginala-gala ko pa ang aking paningin. Napaka-classic pala ng bahay nila. Ala kastila ang disenyo ng tahanan ng mga Deo Gracia. Bago ka makarating sa mismong mansiyon ay maglalakad ka muna sa napakalawak na lawn.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDWhere stories live. Discover now